Chapter 2

3.1K 125 5
                                    

Christopher

AICE’S POINT OF VIEW

Kasalukuyan akong sinesermonan ni Kuya Cooler. Pagkatapos ng nangyari kanina ay pinauwi na muna ako para makapagpahinga.

Pero mukhang ibang pahinga ang mangyayari sa akin. Rest in Peace ba.

“Bakit ba kasi ang tigas-tigas ng ulo mo?! Kaylan ka magtitino ha?! Tumigil siya sandali at hinilot ang sintido. Kasasabi ko lang kanina na ‘wag gagawa ng kalokohan? Tatamaan ka talaga sakin!” banta niya sa akin.

Ako naman ay kulang na lang ay mangisay sa takot sa sama ng tingin niya.

Death glare ba.

Akala ko tapos na siya pero nagmali ako. Bigla noyang hinila ang patilya ko.

Ahhh! Punyeta yung patilya ko!!

K-kuya masakit! Bitawan mo na!daing ko ng hilahin niya ang patilya ko. Naiiyak na talaga ako sa sakit.

Sabi ko naman sa’yo tatamaan ka sa’kin kapag may ginawa ka na namang kalokohan! Sa susunod aahitin ko na ‘yang kilay mo! galit na sabi niya sa akin.

Huhuhu! Mawawala na ang kilay is life.

Tigilan mo na yan, Cooler.  Nasasaktan naman ‘yang kapatid mo, saway sa kaniya ng bagong dating na si Mama.

Parang maamong tupang humarap si Kuya kay mama.

“Ayan na naman kayo, Ma! Lagi niyo na lang kinukunsinti ‘yang batang yan kaya lumalaking palaaway,reklamo ni Kuya.

Excuse me, nagmana kaya ako sa’yo.

Aba, bakit ganyan din naman kayo hanggang ngayon a?mataray na sikmat sa kaniya ni mama.

Ano ngayon Kuya? Hmm? Tiklop ka ngayon kay mama?

Hayy! Ewan ko sa inyo. Akyat na ko.

Tumingin pa muna sa akin si Kuya bago siya umakyat sa taas. Para bang sinasabi niya na sa ibang araw na lang niya ako mimisahan.

Anak...bakit ka ba naman kasi nakikipag-away? Nangako ka na sa amin di’ba?” nakangiti ngunit malungkot ang mata niya. Napakamot naman ako.

Promises are meant to be broken.

“Ma, hindi naman ako ‘yung nagsimula. Ayokong inaapi ako. Pinilit ko namang umiwas pero lagi silang lumalapit. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanila,” rason ko kahit ang totoo ay naguguilty ako sa ginawa ko.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon