Chapter 48

1.3K 70 15
                                    

Tears of Confusion

AICE’S POINT OF VIEW

Lumipas ang mga araw at gabi, lagi kaming magkasama ni Zack tuwing maglilibot sa campus sa gabi.

Ilang araw ko na rin siyang kinukulit do’n sa sinabi niya sa akin nung nakaraan pero palaging irap lang ang isinasagot niya.

“Zack, dali na kasi! Sabihin mo na sa akin kung anong ibig mong sabihin do’n sa sinabi mo!” pagmamaktol ko pa at hinampas siya sa braso.

Tumingin siya sa akin bago umirap.

Ayan na naman siya sa pag-irap niya! Buwisit!

“Malalaman mo rin ‘yun. Sa ngayon, bilisan mo na diyan at baka mamaya magpakita pa ulit ‘yung white lady na nakita natin nung isang gabi.

Nanlaki naman ang mata ko at mabilis pa sa alas kuwatrong bumitin sa kaniya. Bigla ring umihip ang malamig na hangin kaya naman napatili ako.

Mama! Mamaaa!

“Fuck it! Stop shouting! Nakakarindi ka!” iritang suway ni Zack sa ginawa kong pag-irit.

“Pasensiya na, paranoid lang.” Ngumuso ako at nanatiling nakabitin sa kaniya.

Baka mamaya bigla na lang niya ulit akong takbuhan kagaya nung ginawa niya nung isang gabi sa akin. Kamuntikan ko pa akong umiyak sa takot dahil baka makita ko na naman ‘yung white lady.

Tanging kuliglig lang ang naririnig namin at ang ihip ng hangin. Malamig at literal na nakakakaba. Dinaga naman agad ng kaba ang dibdib ko nang tumapak kami ng gymnasium.

Ayoko sanang pumasok pero hinatak na ako ni Zack papasok kaya wala na akong nagawa kundi ang magpatianod kahit pa halos himatayin ako sa kaba. Buti na lang at nitong nakaraan hindi nagpapakita ‘yung white lady.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas kami at nagtungo sa bench na palagi naming inuupan para mag-stargazing at magkuwentuhan.

Taray, ‘di ba? Parang lovers lang ang peg!

Nito ko lang din napapansin na makulit at ibang-iba si Zack kaysa kay Deive. Masasabi kong lumalabas ang pagkamasiyahin ni Zack ‘pag magkasama kami. Mukha lang siyang masungit at badboy pero soft-hearted ang lolo niyo.

“Next week na ang laban niyo, anong kakantahin niyo?” pagbubukas ko sa usapan at pinagdikit ang palad ko.

“More on One Direction songs kami kaya hanggang ngayon, pinagtatalunan pa rin nila kung ano bang kanta ang kakantahin namin,” tugon niya at tumingala.

One direction songs? Hmm?

Tumingala rin ako sa langit na punong-puno na naman ng bituin. Kasali silang lima nina Tristan, Arvie, Kaylee, at Deive. Ang sabi pa niya sa akin ay may banda daw sila dati pero binuwag daw ni Deive dahil kay Athalia.

Athalia na naman.

“Puwede ba akong mag-request ng kanta?” tanong ko sa kaniya na nanatiling nakatingin sa langit.

“Yeah, what is it?

Ito ang unang kantang narinig ko mula sa One Direction. Gandang-ganda ako sa kantang ito hanggang ngayon tapos naging favorite ko pa.

“What Makes You Beautiful. Favorite kong kanta ‘yan,” sambit ko na may pagmamalaking tinig.

“Hmm? I’ll tell to them.” Tumango naman ako bago magyaya pabalik ng room.

Mag-aalas otso na pala at naubos lang ang oras naman palagi sa pag-chichikahan.

Atleast may kuwenta siyang kausap, eh ‘yung kausap mo, ghinost ka na’t lahat umaasa ka pa rin!

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon