Girlfriend
AICE’S POINT OF VIEW
“Pucha, Aice,” mura ni Haze at ininda ang sakit ng pagkakasiko ko sa kaniya.
Dali-dali ko siyang nilapitan at humingi ng sorry na labag pa sa aking balunbalunan. Kasalanan niya kasi! Bigla-bigla siyang umaakbay sa akin!
“Bakit ka ba kasi bigla-bigla na lang nang-aakbay?Akala ko kung sino, ayan tuloy,” medyo inis na reklamo ko pa.
“Ouch, so ako pa ang may kasalanan? Gano’n?” ngiwing aniya at pinagtaasan ako ng kilay. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang sa tumigil ang mata niya sa hawak kong staff toy. “Mabuti naman at nagmukha kang tao. Saka ano ‘yang hawak mo, kalahi mo?”
Luh, siraulo ‘to, ah?
Sinamaan ko siya ng tingin. “Gago, ano ba ako dati? Saka tigilan mo nga ako, ang ganda ko naman para maging unggoy.”
Tumawa siya at mapang-asar akong tiningnan. Umakbay siya sa akin at pinisil ang pisngi ko.
“Mukhang kulang ka sa tulog, ah?” biro pa niya. Tinampal ko lang ang kamay niya.
“Ano ba, Haze? Pinagtitinginan tayo, oh? Mamaya ma-issue pa ako sa’yo,” nakasimangot na sambit ko at inirapan ang mga taong mapanghusgang nakatingin sa amin.
Excuse me, pinsan ko lang ‘to ‘no!
Nagsimula na siyang maglakad kaya wala akong choice kundi ang sumunod. Bitbit ko pa rin ang staff toy na unggoy.
“Don’t mind them. Inggit lang ‘yang mga ‘yan. Biruin mo ba naman, isang napakaguwapo na---ARAY!”
Ang hangin.
Muli siyang nakatikim ng isa pang paniniko mula sa akin. Asa naman siya, baka nga mas kamukha pa niya itong unggoy na hawak ko.
“Ang hangin, eh, sa iisang lahi lang naman tayo galing,” ngiwi ko sa kaniya. Tumawa naman siya.
“‘Yun na nga eh, iisang lahi lang tayo galing pero parehas tayong mahangin.”
Ay, ikaw lang dadamay mo pa ako.
“Pero nga pala, bakit nandito ka? Anong gagawin mo rito?” pag-iiba ko sa usapan.
“Later, you will see.”
Tumango naman ako kahit na kating-kati na akong malaman kung bakit siya narito. Wala naman dito ang jowa niya kaya bakit siya narito?
Imposible namang pumunta ang isang CEO na kagaya niya kung wala siyang gagawin dito, ‘di ba? Saka bakit ba pakalat-kalat siya dito? Hindi ba delikado dahil alam kong madaming nag-aabang sa kaniya diyan sa tabi-tabi.
Abangers na want siyang todasin.
Luminga-linga ako sa paligid at hinahanap ang mga bodyguards niya.
“Oh? What are you looking for?” takang tanong niya, nanatiling nakaakbay sa akin.
“Nasaan ang mga bodyguards mo? Hindi ba delikado ka dito at nagpapagala-gala lang?” tanong ko sa nagaalalang tinig.
Kahit trip niya lagi akong asarin at bully-hin, siyempre nagaalala pa rin ako sa kalagayan niya. CEO siya tapos madaming kalaban diyan sa tabi-tabi na balak siyang todasin.
Baka isang araw bumulagta na lang siya sa daan, ay siya naku paniguradong maghahasik ng lagim ang aming angkan.
“Nasa tabi-tabi lang, acting civilians. Ayun ang isa.” Turo niya sa isang lalaki sa hindi kalayuan na nakakulay itim, naka-shades at sombrero. “Don’t worry, madami akong dinala incase na magkaroon ng gulo.”
BINABASA MO ANG
Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓
Teen FictionSection D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g ito? Aice, isang babaeng madalas nadadawit sa gulo at napapa-away, medyo barumbado, saksakan ng ka...