Chapter 38

1.4K 69 6
                                    

Athena and Primo

AICE’S POINT OF VIEW

Bumalik ako sa room nang wala sa sarili. Naabutan ko ang sahig na punong-puno ng paper balls na ibinato nila sa akin kanina. Naglakad ako papunta sa upuan ko at walang buhay na naupo.

“Saan ka galing?” tanong ni Kevin na kumakain ng marshmallow.

Nagningning naman agad ang mata ko nang makita ko ang kinakain niya.

“Penge!

Agad naman niyang inilayo ang kinakain at binelatan lang ako. “Bili ka sa’yo.

“Hoy, naaalala ko ililibre mo pa nga pala ako! ngisi ko nang maalala ko ‘yung sinabi kong ililibre niya ako kapalit ng pagsingit ko sa moment  nina Aki at nung manliligaw niya kuno.

(P.s: kung hindi niyo po nabasa, nasa chapter 23 po iyon.)

“Kailan ko sinabi ‘yan?

“Remember, nung binigay mo sa akin ‘yung box para ibigay kay Aki? Sabi ko ililibre mo ‘ko?” Tumaas taas pa ang kilay ko.

“Sige, ililibre kita. Samahan mo ako mamaya. Remember ‘yung usapan natin na hindi natuloy? Ililibre na lang kita sa National bookstore.

Tumango ako at ngumiti nang malawak sa kaniya. “Anong oras ba?

“After class.” Tumango na lang ako bilang pagpayag.

Tutal 5p.m pa naman ang usapan namin ni Zack. 3p.m naman ang dismissal namin.

Pumasok na ang kasunod na subject kasunod naman si Deive na magkadikit ang kilay. Namula naman ako nang maalala ko ang halik niya.

Ehe.

“Nag-kiss kayo ni Deive ‘no?

Muntik ko nang masuntok ang katabi ko sa biglaan niyang pagbulong. Binalingan ko si Kevin at sinamaan ng tingin.

“H-ha? H-hindi! Bakit ba bigla ka na lang bumubulong?" mahinang singhal ko kay Kevin. “At anong kiss ka diyan?”

Ngumiti siya na parang aso at mas lumapit pa sa akin at bumulong.

“Humawak ka kasi sa labi mo nung biglang dumaan sa tabi mo si Deive,” bulong niya na nagbigay kilabot sa akin. “Kaya I assume na nag-kiss kayo.”

Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran at nginiwian. “Bakit ko naman gagawin ‘yun?

“Kasi nag-kiss kayo ni Deive at crush mo siya.” Agad ko siyang binatukan. Nakakapangilabot ang sinasabi niya! “Aray!

“Saan mo naman nakuha ‘yan? Walang ganiyan!” tanggi ko.

Wala talaga.

Pero nanatili siyang nakangisi na parang aso.

“Indenial ka lang,” asar pa niya.

“Nakakapangilabot kasi ‘yang sinasabi mo!” tumaas ang boses ko. Tumawa lang siya.

“Miss Hernandez! Kanina ko pa naririnig ‘yang boses mo! Mind me sharing what are you talking?!” sigaw ni Ma’am Dailo at agad naman akong napatungo.

“W-wala po, ma'am.

Nagpatuloy ang klase at nalaman ko rin pala na sa makalawa na ang exams. Kaya naman puspusan ang mga estudyante sa pag aaral.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon