School Festival (Part 1)
AICE’S POINT OF VIEW
“Aice, sorry talaga. Zack, tol, pasensiya na rin at nadamay pa kayo,” pagso-sorry sa amin ni Raiver. Naabutan namin siyang nakaupo sa sofa at may mga pasa sa mukha.
Nangunot ang noo ko dahil paniguradong galing siya sa isang gulo.
“Siguraduhin mo lang na may maganda kang paliwanag, kung hindi, babalatan kita nang buhay at sasabuyan ng suka,” banta ko sa kaniya. Napangiwi naman siya sa ka-brutalan ko.
Narito kami sa loob ng office ni Ground. Si Ground ang may-ari ng The Grounds. Kung hindi mo aakalain, mukhang kasing edad lang siya ni Kuya Cooler. Ang pinagkaiba lang nila ay si kuya, guwapo at malakas ang dating pero si Ground, may ibubuga rin naman. Usok nga lang ng sigarilyo.
Nakaupo siya sa upuan na pang isahan at nakapatong ang dalawang paa sa lamesa. Nakangisi kaming pinagmamasdan.
Nang makapasok kami ni Zack dito ay para kaming dumaan sa butas ng karayom. Sa labas, aakalain mong simpleng gusali lang ito. Pero may isang madilim na hallway kang dadaanan sa basement patungo sa The Grounds.
Pagpasok namin ay tumambad sa amin ang dalawang lalaking malalaki ang katawan at may hawak na malalaking baril.
Napadasal tuloy ako ng Aba Ginoong Maria.
Muntik na akong umurong doon kung hindi pa ako hinila ni Zack. Mabuti na lang at kilala ni Zack ‘yung mga bantay dahil dati rin pala siyang tambay dito kaya pinapasok agad kami.
“Long time, no see, Primo,” nakangising bati ni Ground at bumuga ng usok. Napangiwi naman ako dahil sa amoy. Sakit sa baga teh.
Nakaupo kami sa sofa sa gilid niya. Katabi ko naman si Zack sa kaliwa at si Raiver sa kanan na nakayuko. Bali pinaggigitnaan ako ng dalawa.
“What do you want, Ground? I have no time for this shits,” straight forward na tanong ni Zack na bakas ang pagkaseryoso sa mukha.
“Kagaya ka pa rin ng dati, Primo. Mainipin,” komento ni Ground at bumuga muli ng usok. “Bakit hindi mo muna ipakilala ang magandang binibini na kasama mo?” baling niya sa akin.
Magandang binibini?
Napataas naman ang kilay ko bago siya ismidan. I don’t talk to strangers eh. At alam ko namang maganda ako, no need to mention it.
“Get straight to the point, Grounds,” bagkus na sambit ni Zack na mukhang nauubusan na ng pasensiya.
Nararamdaman ko ang pagtaas ng tensiyon sa pagitan nila kaya naman kinabahan ako at bahagyang lumunok. Tumayo si Ground mula sa pagkakaupo at bumuga ng usok bago naglakad sa likod ng inuupuan namin.
“Alam mo ang gusto ko, Zack. Bukod sa pera, alam kong alam mo ‘yun. Ang kaso ay alam kong ayaw mong gawin ulit,” sabi ni Grounds. Naramdaman ko naman ang presensiya niya sa likuran ko.
Anong gusto? Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila at tanging sila lang ang nagkaka-intindihan. Dumaan ang isang mahabang katahimikan hanggang sa magsalita si Zack.
“Then if that’s what you want. Makaalis lang kami rito then I’m fucking do it,” seryosong sagot ni Zack. Tumayo ito at nagsimula ng magtanggal ng damit.
Nanlaki naman ang mata ko. Don’t tell me. . . Maghuhubad siya at sasayaw sa dancepole sa baba?! ‘Yun ba ang tinutukoy ni Ground na ayaw gawin ni Zack?
Naalarma naman ako at dagliang napatayo. Taka namang napatingin sa akin si Zack. Pinagtaasan naman niya ako ng kilay nang makita ang reaksiyon ko.
“Tss, sabi ko sa’yo na ‘wag ka nang sumama rito,” aniya at hinubad ang pang itaas. “I don't want you to see this another side of me.”
BINABASA MO ANG
Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓
Teen FictionSection D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g ito? Aice, isang babaeng madalas nadadawit sa gulo at napapa-away, medyo barumbado, saksakan ng ka...