First Fight
AICE’S POINT OF VIEW
Katatapos lang ng panghapong klase namin. Nakakaantok, lalo na’t Araling Panlipunan ang pinag-aaralan namin.
Matapos ang nakakalokang pangyayari kanina, walang ibang ginawa ang mga kaklase ko kundi ang asarin ako.
“Aice, masarap ba?” nakakalokong tanong ni Jason sa akin.
Agad ko siyang sinamaan ng tingin. “Tado,” singhal ko. Tumawa lang siya sa akin bago lumabas.
Inayos ko na ang gamit ko saka tumayo para umalis. Pero hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang pinaguusapan nila Deive--- pangalan ni Mister Salvador.
“Deive, sino ba makakalaban natin mamaya?”
“Oo nga, nangangati na mga kamao ko para patumbahin sila.”
“Dun pa rin ba sa lumang building?”
Lumang building? Laban? Patumbahin? Ano ‘yun gang fight? E, mukha nga silang anak ng mayayaman tapos makikipagpatayan lang sila?
Sayang lahi niyo.
Napataas ang kilay ko sa pinaguusapan nila. “Ehem,” tawag pansin ko sa kanila dahilan para mapatingin sila sa akin.
“Ano pinag uusapan niyo?” patay malisya kong tanong sa kanila kahit alam ko naman ang pinag uusapan nila.
Isa isa ko silang tiningnan at masasabi kong lahat sila ay may ipagmamalaki at may itsura. Mukha rin silang mayayaman dahil sa kutis ng balat nila.
“None of your business,” malamig na sagot ni Deive Salvador. Taray ng pangalan, hmp.
Dun ko lang napansin na kasama din ‘yung dalawa naming kaklaseng babae. Si Sydel at Jenix.
“Nan op yor bisnes ka diyan,” ismid na panggagaya ko sa kaniya. “I’m also a part of Section D, so I have the rights to know what are you talking about.”
Dugo ilong ko. Napasabak ako sa madugong englishan.
Ngumisi lang sa akin si Deive. “But you do not belong here,” diretso niyang sambit.
Aray. Hindi naman masakit, mga 99.9% lang. Hindi daw ako belong? Bakit?
You belong with meeee~~~
Umasim ang mukha ko bago siya irapan. “Sungit mo, akala mo naman kung sinong guwapo, mukha namang tukmol.”
Tinalikuran ko sila at nagsimulang humakbang papalabas ng room dahil mukhang wala naman talaga silang balak na isama ako. Narinig ko pa ang pagmura sa akin ni Deive na mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
Hmp, guwapong guwapo pa naman ako sa kaniya pero ang pangit ng ugali niya! Nagtatanong lang naman ako!
Pinaglihi siguro siya sa sama ng loob ng nanay niya, ‘no?
Nadaanan ko pa ang ilan kong kaklase sa labas ng room namin na mukhang inaantay matapos ang usapan sa loob.
Ngumuso ako. Kinginang mga ‘to. Hindi daw ako belong, e’di hindi. Akala mo naman kawalan sila.
Pero sa halip na dumiretso pauwi ng bahay, mas pinili kong puntahan ang lumang building. Alam ko ang lugar na iyon dahil minsan na akong nakapunta doon dahil kay Aga. Buset na lalaking ‘yun. Lagi na lang akong hinahaunting. Porke’t galit kina Kuya, ako ‘yung tinatarget.
BINABASA MO ANG
Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓
Teen FictionSection D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g ito? Aice, isang babaeng madalas nadadawit sa gulo at napapa-away, medyo barumbado, saksakan ng ka...