F4?
AICE’S POINT OF VIEW
Late akong dumating sa klase. Hating gabi na ako nakatulog kagabi dahil sa kapapanood ng Meteor Garden sa YouTube.
Nagalit pa si kuya sa akin dahil bihis na sila, liligo pa lang ako. Nagbanta pa nga siya na papatayin ang wifi kapag gabi. Buti na lang at umangal si kuys.
Naglalaro daw siya ng ml kasama ‘yung ka-duo niya.
Panay ang hikab ko nang naupo ako. Nagsimula na rin ang klase at walang kahit na ano ang pumapasok sa isipan ko.
Lagi naman.
“May pagkain ka ba diyan, Aice?” tanong ng katabi ko na si Kevin.
Umiling ako naghikab muli. Balak ko sanang dumukdok sa lamesa kaso baka pagalitan ako. Kaya tiniis ko na lang ang pagpipigil antok.
Laking pasasalamat ko na lang talaga at natapos na ang klase. Naglunch na rin at iniintay na lang namin ang sunod na subject.
“Shit! Pare buo na ulit ang F4!”
“Siyempre nagbalik na si Zack.”
“Balik ba ulit sa dating gawi?”
“Anong gawi? Ang mambabae?"
At dahil matalas ang tainga ko, napatunghay ang ulo ko ang marinig ko ang F4.
As in sina domingso?
“H-ha? Nasaan sila? Nasaan ang F4?!” sigaw ko.
Luminga linga pa ako sa paligid at sinubukang hanapin sila.
“HAHAHAHAHA! Halatang kulang sa tulog si Aice!” tawa ni Jason. “Mulala moments!”
Tiningnan ko siya ng masama. “Oo, kulang ako sa tulog kaya puwede ba ilabas mo na ang F4 kung ayaw mong ibalibag kita!” banta ko. Agad niyang hinila ang katabing si Russel para ipanangga sa akin.
“Ayan! Ayan! Ang F4 sa likod mo!”
Napalingon ako sa likod ko nang ituro niya roon ang F4. Kulang na lang talaga ay kunin ko ang upuan sa harap ko at ibalibag kay Jason dahil hindi naman sina Dao Ming Si ang nakita ko.
Ang mga kampon ni Hudas.
“Anong F4? Eh, mga kaklase natin yan eh!” reklamo ko.
“Bakit? Sila naman talaga ang F4 ah? Sino bang F4 ang hinahanap mo? Sina Dao Ming Si ng Meteor Garden? Imposibleng pumunta ‘yun dito sa Pilipinas,” sabat ni Jetro. “Kanonood mo ‘yan.”
Ngumiwi ako sa kaniya. True naman. Siguro ay kulang---ay hindi kulang talaga ako sa tulog!
Tiningnan ko ang apat na tinatawag nilang F4 na nakaupo sa lamesa. Si Kaylee na may hawak na telepono. Si Zack na nakapalumbaba. Si Arvie na nakatingin sa akin na para bang kanina pa ako pinagmamasdan. At si Deive na nakasimangot sa akin.
“‘Yan na ang F4? Sure kayo?” ngiwing tanong ko.
“Oo at kami ang F4 ng Pilipinas. Mas gwapo at mas macho!” sagot ni Kaylee na nakipag-fist bump pa kay Zack.
“Hindi ako na-inform na joker pala kayo,” ngiwi ko. Nagtawanan sila sa sinabi ko.
Mukhang gino-good time ako ng mga tukmol. Dumukdok na lang ako sa lamesa at sinubukang umidlip.
Maya-maya pa ay ina-announce na vacant kami.
Gusto ko namang batukan ang katabi kong si Kevin na walang ibang ginawa kundi ang ukitin ko.
BINABASA MO ANG
Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓
Teen FictionSection D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g ito? Aice, isang babaeng madalas nadadawit sa gulo at napapa-away, medyo barumbado, saksakan ng ka...