Chapter 47

1.3K 62 5
                                    

School Festival (Part 2)

AICE’S POINT OF VIEW

Nagsisimula nang mag-agaw ang orange, pula at dilaw na kulay sa kalangitan. Nagsisimula na ring lumubog ang araw na tanda na patapos na ang araw na ito.

Ang ganda. . . ang ganda ng langit. Parang ako.

Sa room kami matutulog dahil kami ang Night Security. Umuwi ako kanina sa bahay para kumuha ng mga gamit. Siyempre hindi mawawala ang pagkain. Nagdala rin ako ng citronella para hindi ako kagatin ng lamok.

Kasalukuyan kaming naglilinis ng campus ground kung saan naganap kanina ang mga palaro ng first and second year.

“Hi, Papi Tristan!” sabi ni Kevin sa isang malanding tinig. Ginawa niya kasing gown kuno ‘yung mga sako at plastik na nakuha namin kanina sa paglilinis.

Naging dahilan naman iyon ng pagtawa ng mga tukmol. Maging ako ay natawa rin.

Natuluyan na nga.

“Shut the fuck up, Kevs. Lumayo ka sa akin at baka mahambalos kita, you want?!

Mas lalong lumakas ang tawanan namin dahil sa sinabi ni Tristan na bakas ang pagka-irita sa mukha.

“Natuluyan na nga si Kevin!

“Patay na! Hahahaha!

“Paano nga ang giling, Kevin?

Napailing ako at tinapos na ang paglilinis sa huling kalat. Sa wakas, makakapagpahinga na rin!

“Wohoo! Natapos din! sigaw ko at pinunasan ang tumutulong pawis sa noo ko.

“Hi, Aice,” bati sa akin ni Kevin with matching tantilizing eyes pa. Yuck! “Look, I’m look like a princess and you are the maid! Hahahahaha!

Gago!

“Wow ha, ikaw na ang prinsesa, prinsesa ng mga basura!” Sinundan ko ng pagtawa sa mukha niya kaya naman sumimangot siya. Nagtawanan din naman ang mga tukmol. Mas napatawa naman ako pero laking gulat ko nang masamid ako sa sarili kong laway.

Ayan, tanga.

Bumaligtad ang mundo at ako naman ang pinagtatawanan nila. Nagpatuloy ako sa pag-ubo hanggang sa mawala ang pagkasamid ko. Sinamaan ko sila ng tingin kaya bumalik sila sa kaniya-kaniyang ginagawa.

“Ayan, tawa pa,” tudyo sa akin ni Kevin. “Desurb mo, gaga. Tse, makaalis na nga! Papi Tristan, wer ar u?” Pumipilantik-lantik pa ang kaniyang imaginary hair bago hinila ang kaniyang gown na sako papunta kay Tristan na iritang-irita na sa kaniya.

Tatawa-tawa naman akong umubo bago ayusin ang mga ginamit naming panlinis.

“Tristan, beybe! Wait for me!

“Stop it, Kevs! Layuan mo nga ako!” pulang-pula na sigaw ni Tristan at tinanggal ang kamay ni Kevin na nakapulupot sa braso niya.

Patuloy pa rin sa tawanan at pang-aasar ng mga tukmol sa dalawa. Nakasalubong ko ang tingin ni Deive na mukhang kanina pa ako pinagmamasdan. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa tingin niya. Nag-iwas ako ng tingin.

May sakit ata ang puso ko?

“Tara na, para makapagpahinga na rin tayo bago ang shift mamaya,” biglang aya ni Zack na bagot na at nagpatiuna na sa paglalakad papuntang room namin.

Sumunod naman ang iba na iniiwasan na madikitan ni Kevs na mukhang nagsawa na kaka-kulit kay Tristan.

Napailing na lang ako at dinampot ang mga trash bag, sako at mga walis.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon