Chapter 27

1.4K 65 1
                                    

Aki and Anton (Part 3)

AKI’S POINT OF VIEW

Lumipas ang araw at third year na kami. Ipinaramdam nga sa akin ni Anton ang nararamdaman niya.

Breakfast date sa umaga. Lunch date sa tanghali. Inihahatid niya din ako sa amin pagdating ng hapon. Talagang pinanindigan niya ang panliligaw sa akin.

Kalat na rin sa campus na may nililigawan si Anton pero hindi nila kilala kung sino iyon.

Ako.

Napag usapan namin ni Anton na isekreto muna sa lahat ang status namin ngayon.

Isang malaking issue iyon ‘pag nagkataon.

“Tara sa ihawan?” yaya ni Anton sa akin pagkatapos ng klase.

Tumango naman ako. Inintay muna namin na mawala lahat ng estudyante bago kami lumabas. Ganito ang nakagawian namin. 

“Tara na,” yaya ko sa kaniya at sabay kaming lumabas ng school.

Medyo madilim na nung lumabas kami ng school. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa tabing kalsada.

Tumuloy kami sa ihawan at doon na naghapunan.

Pinanood ko siyang ayusin ang lamesa na pagkakainan namin. Lagi niya itong ginagawa sa tuwing kumakain kami rito. Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kaniya kaya lumingon siya sa akin, ngumiti at kumindat.

Napairap ako pero medyo kinilig rin ng kaunti. Maya maya pa ay isenerve na ang pagkain nanin.

Natapos kaming kumain at tumambay muna saglit. Nakapatong ang kamay ko sa lamesa at hawak niya.

“Ang saya ko na kasama kita ngayon,” sabi ni Anton at ngumiti sa ‘kin. “Hayy, kailan mo kaya ako sasagutin? Hindi naman sa pagmamadali, pero gusto kong magkaroon na tayo ng label.

Yumuko ako at hinila ang kamay ko na hawak niya. Kita ko ang pagkagulat at pagkataranta sa kaniya.

“A-Anton."

“B-bakit, Aki? May nagawa ba akong mali? Ano? May nangyari ba?sunod sunod niyang tanong, halatang kinakabahan.

Kabado bente.

Agad akong umiling at ngumiti sa kaniya. Gusto kong matawa sa reaksiyon niya.

Dumungaw ako sa kaniya at hinawakan ang baba niya at pinatakan ng magaan na halik sa labi.

Ang lambot, shet.

Nakaawang ang mapupulang labi niya dahil sa ginawa ko. Maging ako ay nahiya sa ginawa ko.

Kakahiya!

Paniguradong namumula ang aking pisngi.

“A-Aki, anong ibig sabihin no’n?” tanong niya at mukhang gulat pa rin sa ginawa ko.

Nakatingin lang siya sa akin, iniintay ang sagot ko.

Tumango ako sa kaniya. “O-oo sinasagot na kita,” nahihiyang sabi ko.

Agad na bumakas sa mukha niya ang kasiyahan. Napatayo pa siya at agad akong niyakap.

“Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya sa araw na ‘to.” Hinalikan  pa niya ako sa noo.

“Masaya din ako dahil ‘yung taong tinatanaw ko lang sa malayo, pagmamay-ari ko na ngayon,” nakangiti kong usal.

“Uy ikaw ha, baka ako ‘yung first love mo kaya ayaw mong sabihin sa akin kung sinong first love mo,” tukso niya sa akin.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon