Chapter 18

1.6K 83 8
                                    

Meet his family.

AICE’S POINT OF VIEW

Pinanatili kong nakapikit ang mata ko. Pinakikiramdaman ko ang galaw nila.

Lalong sumakit ang ilong ko!

Pasimple kong sinilip ang mga lalaking may hawak sa akin.

“P‘re, ano gagalawin na ba natin ‘to?” tanong nung isang lalaki.

Oo nga p‘re, ganda pa saka puwede pa natin ‘tong pagkakitaan,” gatong naman ng isa.

Mga bastos! Anong pagkakakitaan? Ulol men!

Naramdaman kong muling hinawakan nung isang lalaki ‘yung hita ko. Kaya kusang gumalaw ang kamao ko at tumama ‘yun sa mukha niya.

Lumagapak sa sahig ng jeep ‘yung sinuntok ko at agad na dumudugo ang ilong at bibig.

Napalakas ata?

Anong pagkakakitaan? Alam kong maganda ako pero hindi naman ako kendi na puwedeng ibenta kung kani-kanino!” galit na sigaw ko. “Ano, magtititigan na lang ba tayo dito?” tanong ko sabay palagutok ng kamao ko kaso hindi tumunog.

Umugong ang tawanan nila pati ‘yung kasama naming babae ay nakitawa rin.

Hehe, pahiya ako doon ah?

“Hehehehe! Hindi tumunog ‘no?” kunwari kong tawa at agad kong sinuntok ‘yung isa na malapit sa akin. Tawa pa.

Gulat na gulat sila. Hindi ako nag-aksaya ng panahon at agad silang binigyan ng tig-iisang suntok sa mukha. Agad naman silang natumba at hindi agad nakalaban.

Ano suko na kayo?” tanong ko habang pinagmamasdan silang nakahiga sa sahig ng jeep. Dumudugo ang ilong at labi nila.

Tig-iisang pa lang suntok ‘yun ha.

Pinagmasdan ko silang maigi. Mapapayat at mukhang mga dugyot. Para silang humithit ng katol.

Rugby kamo!

Biglang tumigil ang jeep at napatapat iyon sa police station.

Tulungan niyo po kami!” sigaw ng babaeng kasama ko. “Hino-holdap po kami! Tulong!”

Nagmamadaling lumabas sila ng jeep pero bago pa sila makalabas ay agad ko silang hinila at itinulak papasok ng jeep. Nagkanda-untog untog pa nga ako sa bububong ng jeep dahil sa paghila ko sa kanila.

Ano tatakas kayo?” singhal ko sa kanila. Hoy, babae! Lumabas ka na at tawagin mo ‘yung mga pulis, utos ko do’n sa babae.

Dali-dali siyang lumabas at tumakbo papasok ng police station para humingi ng tulong.

Ano? Gagaling niyo mangholdap tapos ang gagaling niyo ring tumakas sa batas?!” asik ko. “Ang dapat sa inyo, kinukulong habang buhay nang magtino!”

Mukhang nagalit ko ata sila dahil biglang lumapit sa akin ang dalawa at sinubukan akong suntukin pero nakailag ako. Kaagad ko silang sinuntok at sinipa sa tuhod.

Lumapit naman ang natitirang dalawa at sabay akong sinugod. Akala ko susuntukin nila ako pero laking gulat ko nang itulak nila ako palabas ng jeep.

Napapikit na lang ako nang lumagapak ako sa semento. Masakit rin ang puwet ko.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon