Chapter 42

1.3K 70 11
                                    

Festival

AICE’S POINT OF VIEW

Dumaan ang lunch at nagsimula na ang panghapong klase. Alas dos na nang ipatawag kami sa gymnasium.

May announcement daw para sa mga juniors. Ang mga College naman ay nasa kabilang campus. Kaya naman madalang kaming magkita ni kuys.

“Are you excited to be a garbage collector?” bungad sa akin ni Trina nang makasalubong ko siya.

Napairap naman ako. Ang init-init tapos may ganito pang bubungad sa’yo?

Kagigil much.

“‘Wag ngayon, Trina,” mahinahong sabi ko. Ang ganda na ng mood ko, huwag mo nang sirain pa.”

Umakto naman siyang nasaktan sa sinabi ko. Arte! Alam ko na ang sasabihin niya. “I am the Vice President of SSG---”

And I am the queen of Ice! Ulowl!  Wala akong pake sa’yo, kahit anak ka pa ng presidente basta ako, anak ako ng nanay ko!” inis na sabi ko sa kaniya. Nagtawanan naman ang mga tukmol---na nanonood pala sa amin.

Kita ko ang pagkainis ni Trina at padabog na nagmartsa paalis. Napangisi ako pero agad ding nawala iyon nang makita kong nakaharap na sa akin si Deive na may malawak na ngisi.

Ngisi-ngisi mo diyan?

“Kailangan mo---” Naputol ang pagsasalita ko dahil sa pagdampi ng isang malambot na bagay sa labi ko.

Nanigas ako sa ginawa niyang paghalik sa akin.

“You liked it, huh?” mapang-asar na sabi ni Deive sa akin. Saka naman ako natauhan at agad siyang sinamaan ng tingin.

“H-Hudas ka! Bakit mo ako hinalikan?!” galit na tanong ko. Marahas kong pinunasan ang labi ko.

“One copy, one kiss rule,” ngising aniya. Nanlaki naman ang butas ng ilong ko sa inis.

Anong ginaya ko?!

“Hoy! Anong one copy, one kiss rule ka diyan?! Bakit, ano bang ginaya ko?! At kung gusto mong manghalik, si Athalia ang halikan mo!” Mas lalong lumakas ang tawanan at kantiyawan ng mga tukmol sa sinabi ko.

Teka, bakit parang tunog nagseselos ako?

“Yownn! Nagseselos na, Deive! Bigyan pa ng isang halik ‘yan!

“Do’n ka daw kay Athalia, Deive! Hahaha!

“Selos ay iwasan para pasko ay abutan! Hahahahaha!

Kulang na lang siguro ay pumasok ang isang bola sa ilong ko sa panlalaki ng butas nito. Alam kong namumula na rin ako sa hiya, inis at pagka-irita sa mga sinasabi ng mga ito!

Mukha ba akong nagseselos? Pero para nga akong nagseselos na jowa do’n sa sinabi ko!

Hindi ako nagseselos!

“Really? Baka magselos ka?” asar ni Deive sa akin. Pinandilatan ko siya ng mata. Assumero ha.

“H-Hoy! A-Anong magselos? Bakit naman ako magseselos? May tayo ba para magselos ako?” iritang tanong ko. Bakit kasi parang lumalabas na nagseselos ako? Eh, hindi ko pa naman siya jowa?

Hindi pa. . .

“Problema ba ‘yun? Lagyan natin ng label kung gusto mo?

Natigilan ako. L-Label ba kamo?Anong label? Friends with benefits? Ha, do’n na siya kay sa ex niya!

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon