Volleyball
AICE’S POINT OF VIEW
Malawak ang ngiti ko nang pumasok ako ng room.
Pasalubungan ka ba naman ng sokolet?
“Good morning!” pakantang bati ko sa mga tukmol.
“Morning, Aice!” bati ni Kevin.
“Walang good sa morning ko!”
“Good morning, Aice!”
“May pagkain ka ba diyan?”
Bati sa akin ng mga tukmol. Himala at binati nila ako? Akala ko ba galit galitan ang peg nila?
“Good mood ka ata ngayon a?” tanong ni Jason. Matalim na irap lang ang isinagot ko sa kaniya.
Akala ata niya makakalimutan ko ‘yung ginawa nila sa akin nung isang araw?
“Tse!” pagtataray ko saka umupo sa upuan ko. Tinawanan lang ako ng gago.
Ngingiti ngiti akong bumaling kay Kevin na takang nakatingin sa akin.
“Anong mukha ‘yan?” tanong niya na may kasama pang pagngiwi.
“Mukha ng isang maganda?”
Bigla na lang siyang bumalanghit ng tawa na ikinasimangot ko.
Lintek na ‘to, talagang tinawanan pa ako.
“Hindi naman ako na-inform na joker ka na pala ngayon,” tawa niya.
“O sige, wala kang chocolate sa akin.” Mabilis pa sa alas kuwatrong humupa ang tawa niya at agad na nagayos ng upo.
“Nagjo-joke lang naman ako, Aice,” nguso niya na ikinaling ko.
Kapag pagkain ang usapan, bumabait siya bigla.
Nagkuwentuhan pa kami sandali ni Kevin. Nakisali rin ang iba pang mga tukmol. Doon ko rin nalaman na wala pala ang pinuno nila na si Deive.
Kaya pala ang babait.
Sa kalagitanaan ng pagtatawanan namin ay bigla na lang tumahimik ang lahat. As in sobrang tahimik na para bang may dumaang anghel. Natigil naman ako sa pagtawa at biglang napatingin sa pintuan. Nakasalubong ng mata ko ang isang bagong ligong anak ni Apollo.
Naglandas ang mata ko mula sa nakapush back at mamasa masang buhok hanggang sa unipormeng nakabukas ang tatlong butones ng anak ni Apollo.
Napasinghap ako.
Jusko, hindi ko alam na nagbaba pala ng ganito kaguwapong anak si Apollo.
Pakiramdam ko ay kakapusin ako sa hininga nang magtama ang mata naming dalawa. Ang makapal niyang kilay, ang matangos na ilong, ang mahahabang pilik, ang mapupulang labi at higit sa lahat ay ang kulay kayumanggi niyang mata na mas lalong nagpaguwapo sa kaniya. Tila ba inukit ng isang kilala at dalubhasang iskultor ang halos perpekto niyang mukha.
Nakakunot noo rin siya at nakasimangot na tila ba may kinagagalitan sa mundo. Pero hindi iyon nagpabawas ng dating niya, bagkus ay mas lalo pa iyong nagpalakas ng datingan niya. May piercing rin siya sa kaliwa niyang tainga na kumikinang kapag natatamaan ng liwanag.
Guwapong badboy na pinaglihi sa sama ng loob.
Napaiwas ako ng tingin nang tumikhim siya. Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kaniya ng ganoong katagal at mukhang napansin niya pa! Biglang nag init ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓
Teen FictionSection D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g ito? Aice, isang babaeng madalas nadadawit sa gulo at napapa-away, medyo barumbado, saksakan ng ka...