Gulo
AICE’S POINT OF VIEW
“Aice, punta ka mamayang lunch sa tambayan sa third floor. Magpapakain daw si Aki.”
Kulang na lang ay pumalakpak ang tenga ko sa sinabi niya.
Libre! Pagkain!
Tumango-tango ako at ngumiti kay Anton. Nakasalubong ko kasi siya.
“Puwede bang magsama?” ngingiti-ngiting tanong ko.
Napakamot siya sa batok. “S-sige, basta ‘wag mong isasama lahat. Mamumulubi si Aki.”
Tumango naman ako at siya naman ay nagpaalam na pupuntahan niya raw muna si Aki.
Nagpatuloy naman ako sa paglalakad, ngiting-ngiti pa ako dahil gusto kong ibalita kay Kevin ang isang magandang balita.
Pero nang tumapat na ako sa room namin ay laking gulat ko na lang nang makita ko silang nagkakagulo. Bigla na lang may tumilapon palabas ng pinto kaya napatakbo ako.
Anak ng teteng asul?!
“H-hoy! Ano bang nangyayari at nagkakagulo kayo?” tarantang tanong ko. Inalalayan mo si Owen na tumayo mula sa pagkakasuntok sa kaniya ni Kiyo.
Hindi nila ako sinagot at matalim lang silang nagtinginan. Muntik naman akong mapasigaw nang biglang suntukin ni Owen sa mukha si Kiyo.
“Tarantado ka, pare! Sabi nang hindi ko nga inaagaw sa’yo ‘yang jowa mo! Siya itong panay ang habol sa akin!” galit na sigaw ni Owen kay Kiyo na nakahiga sa sahig at putok ang labi.
Agawan ng shota?
Pumasok ako ng room at mas lalong sumakit ang ulo ko nang makita kong silang lahat na nagkakagulo. Mayroong umaawat ngunit nadadamay rin.
Jusko!
Si Tristan na sinasabunutan si Henry. Gumaganti rin naman ng sabunot si Henry sa kaniya na may kasamang pagsampal.
Bading ba ‘tong dalawang ‘to?
Sunod ko namang nakita si Russel na nakikipagsuntukan kay Jason.
Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko si Kevin na pinagsususuntok si Kirvy.
Jusko po! Ano bang nangyayari sa mga tukmol at nagkakagulo? Napasabunot na lang ako sa buhok ko bago sila lapitan at awatin.
Ako naman mamaya ang manununtok!
Para akong dumaan sa butas ng karayom papalapit sa puwesto nina Kevin. Muntik pa nga akong tamaan nang suntok bago ako makarating sa puwesto nina Kevin.
Nilapitan ko sina Kevin at agad na inawat. Baka mapatay pa nito si Kirvy!
“Kevin! Itigil mo na ‘yan! Baka mapatay mo si Kirvy! Tama na ano ba?!” Awat ko sa kaniya pero patuloy pa rin siya sa pagsuntok.
Maga na ang mukha ni Kirvy at dumudugo na ang ilong at bibig. Agad naman akong natakot. Kaya wala akong choice kundi ang daanin sa dahas ang batang ito.
Hinawakan ko ang tenga niya at pingot iyon. Galit naman siyang bumaling sa akin pero agad ring nawala ang galit sa mukha niya nang makita ako at napalitan ng gulat at takot.
“A-aice. . .”
“Ano hindi ka pa titigil?!” galit na sigaw ko sa kaniya kaya napatingin ang ibang tukmol na malapit sa amin. “HINDI BA KAYO TITIGIL? KULANG NA LANG MAGPATAYAN KAYO AH? ANO BANG PROBLEMA NIYO?!”
BINABASA MO ANG
Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓
Roman pour AdolescentsSection D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g ito? Aice, isang babaeng madalas nadadawit sa gulo at napapa-away, medyo barumbado, saksakan ng ka...