Chapter 17

1.7K 78 9
                                    

One copy, one kiss

AICE'S POINT OF VIEW

Panay ang singhot ko dahil sa parang may tutulong kung ano sa ilong ko. Para na rin akong si Rudolf dahil sa sobrang pula ng ilong at mukha ko. Pakiramdam ko ay nabali rin ang buto ko sa ilong dahil sa nangyari kahapon.

Batuhin ka ba naman ng bola?

Matapos kong ma-knock out kahapon, dinala daw ako sa clinic nina Jason. Mabuti na lang ay mayroon pang natitirang kabutihan sa kanila, ang akala ko ay iiwan na nila ako roon basta basta.

Pero letche pa rin sila! Humanda lang talaga sila sa akin pagpasok ko.

Maghihiganti na hindi naman mangyayari.

Pumara ako ng jeep at sumakay papuntang Walter Mart. Balak ko sanang bumili ng nose strips. Nagsuot din ako ng facemask dahil ayokong makita nila ang mala kamatis kong mukha.

Pagbaba ko pinagtitinginan ako dahil nakasuot ako ng facemask. Dumiretso agad ako sa Watsons para bumili ng nose strips kuno. Nagtanong ako sa isang staff at agad niya namang itinuro ‘yung mga strips.

Kinuha ko iyon at dinala sa counter para mabayaran. Paglabas ko ng Watsons, balak ko sanang dumiretso sa Food park.

Nagugutom na naman ako.

Palakad na sana ako nang may mabunggo ako at tinamaan pa ang ilong ko.

Whoo! Putanginaaa!Yung ilong ko!

“Whoo! Putrages ang ilong ko!” sigaw ko habang sapo sapo ang ilong. Mas lalong sumakit ito at pakiramdam ko ay maiiyak ako sa sakit.

“Shit! Si Aice ba ‘yan?”

“Patingin nga ng ilong?”

“Baka napirat na! HAHAHAHAHA!”

Gago! Anong napirat? Mapula at masakit, hindi napirat. At kung sinusuwerte ka naman, talaga bang isinumpa ako ng langit dahil sila pa ang makasalubong ko?

Puwede naman sanang si Harry Styles na lang o kaya ay si Zayn Malik kaso malabong pumunta ‘yun ng Pilipinas.

Agad ko silang tiningnan ng masama. Ay, nandito rin pala ang kampon ni hudas. Hindi ko sinasabing si Deive to pero parang ganon na nga.

Pero anong ginagawa ng mga tukmol na ‘to dito? Hindi rin ba sila pumasok? O, baka talagang sinusundan nila ako?

Assumerang kokak.

Pinasadahan ko sila ng tingin, isa-isa. Tanging silang apat lang nina Kaylee, Deive, Arvie at Jason ang narito na kapuwa nakatingin sa akin at may ngisi sa labi.

Mga gago,” bulong ko saka naglakad paalis. Pero agad ding napatigil nang may humawak sa braso ko.

Agad akong napapiksi nang may naramdaman akong kuryente. “Ano naman ang kailangan mo?” mataray kong tanong. “Hindi ka pa rin ba satisfied sa nangyari kahapon kaya hanggang ngayon ay buburiwriwin mo ako?” inis na dagdag ko.

Tumaas ang kilay niya at sumilay naman ang makahulog panty’ng ngisi niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong tingnan ang mukha niya, pakiramdam ko ay inaakit niya lang ako.

Sumama ka samin,sabi niya at walang pakundangan akong hinila patungo sa kung saan.

Aray ko naman, makahila ka diyan, wagas, inis na reklamo ko. “Saan ba tayo pupunta at hinihila mo ako?!”

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon