Chapter 26

1.4K 60 2
                                    

Aki and Anton (Part 2)

AKI'S POINT OF VIEW

"Aki, patulong dito," tawag ni Anton sa akin at ibinigay sa 'kin ang papel.

Huling araw na ng pagre-review namin ngayon. Bukas ay exam na.

"Sus, madali lang naman 'yan," sabi ko at itinuro sa kaniya kung paano iso-solve 'yung math problem.

Natatawa ako sa kaniya 'pag may mga topics siyang hindi maintindihan. Magpo-pout tapos magpu-puppy eyes kapag nagpapa-awa siya sa akin. Napipisil ko na lang ang pisngi niya nang wala sa oras.

Cutess overload.

Nag-aayos na ako ng gamit ko nang tawagin niya ako.

"Miss Cutie, tara laro tayo."

"Anong laro?"

"Truth or dare."

Napalingon ako sa kaniya sabay sulyap sa relo ko. Maaga pa naman.

"Game."

Pinaliwanag niya ang mechanics ng laro. Halinhinan kaming magtatanong ng truth or dare. At kapag pinili mo ang truth, tatanungin ka pero kapag hindi mo nasagot, idadare ka. Pero kapag pinili mo ay dare at hindi mo nagawa, tatanungin ka.

Nauna siyang nagtanong. "Truth or dare?"

"Truth."

"Crush mo ba ako?" Natigilan ako sa tanong niya kasabay nang pag-iinit ng pisngi ko sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin. Pero mukhang nagjo-joke lang siya dahil sa pagtawa niya. "Joke lang. Sino first boyfriend mo?"

"Wala pa akong nagiging boyfriend." Tumawa siya sa sagot ko kaya napasimangot ako.

"Seryoso? Pero ako nga din wala pang nagiging girlfriend."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Kalat na kalat sa campus ang pagkakaroon niya ng girlfriend kaya imposibleng wala pa siyang nagiging girlfriend.

Liar din pala 'to.

"Wala ka pang nagiging girlfriend? Eh bakit kalat na kalat sa buong campus na may girlfriend ka na raw?" takang tanong ko. "Sure ka na niyan?"

"Tss, fake news. Wala pa akong nagiging girlfriend na seryoso. Flings, madami," sabi niya saka tumawa.

Sumimangot ako sa kaniya. Piningot niya naman ang ilong ko nang makita niya ang reaksiyon ko.

"Ako naman. Truth or dare?" tanong ko.

"Truth."

"What's your ideal girl?" I'm curious.

Napataas ang kilay niya sa tanong ko.

"Ideal girl ko? Matalino, magaling magluto, mabait, at may pananalig sa Diyos. Bonus na lang ang ganda."

"In short ako?" biro ko at tumawa.

"Pwede rin," sagot niya na ikinatigil ko. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko at namula ang pisngi ko. "Ideal ka kaya."

May binulong pa siya pero hindi ko na narinig. Nagpatuloy na lang kami sa laro at habang naglalaro ay hindi ko maiwasang mamula sa bawat itinatanong niya.

"Truth or dare?" tanong ni Anton sa akin.

"Truth."

"Sino ang first love mo?"

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon