Chapter 34

1.3K 70 2
                                    

Event Gone Wrong

AICE’S POINT OF VIEW

Napilitan akong sumama kina kuys. Nakanguso akong sumakay ng kotse at padabog na ikinabit ang seatbelt. Nakasimangot ako na tumingin sa harap.

“Kuya oh, si Aice nagdadabog,” sumbong ni kuys kay kuya. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Ah sino nga ulit ‘yung nakita ang ex kanina?” Napawi ang ngiti ni kuys sa sinabi ko.

Akala mo ha.

“Epal mo.

Natawa na lang ako. Pagdating kasi namin kanina, nung sinundo niya ako, wala siya sa sarili niya. Iniisip siguro ‘yung nangyari kanina.

Makita mo ba naman ulit ex mo?

Pero ang ipinagtataka ko bakit parang walang alam si Deive sa nangyari kay Athalia? Saka ‘di ba jowa ni Deive si Athalia noon?

“I heard Athalia is here?” tanong ni kuya na nagsimula nang magmaneho.

“Yeah. Nakita ko siya kanina sa school,” sagot naman ni kuys.

“Do you have any plans?Nangunot ang noo ko sa tanong ni kuya kay kuys.

Anong plano? Bakit? At para saan?

“I’ll think about it,” sagot ni kuys at nagbuntong hininga.

“Make sure about it. Sobrang kahihiyan ang ginawa niyo noon. Wala na akong magagawa ‘pag nangyari pa ulit iyon.

Tuluyan na akong nahulog sa malalim na pag-iisip sa sinabi ni kuya.

Naguguluhan ako at umiiral na naman ang pagiging ma-kuryusidad kong tao. Ano ‘yung kahihiyang kinasangkutan noon ni kuys at ni Athalia?

Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang ako naman ay pinipilit itikom ang bibig kahit kating-kati na akong magtanong sa kanila.

Pagkaraan ng sampung minuto ay narating na namin ang event kuno na pupuntahan namin.

Na-text ko na rin si Kevin na hindi ko siya masasamahan. Mabuti na lang at hindi natuloy ‘yung pupuntahan dapat namin kanina.

Bumaba kami ng sasakyan at sinalubong kami ng isang babae at may ibinagay na i.d.

Maraming magagarang sasakyan ang narito. Nagkalat rin ng media at mga paparazzi.

Nasa unahan si kuya at nakasunod naman kami sa kaniya ni kuys. May mga ilang bumabati sa amin na tinatanguan lang ng mga kapatid ko.

Samantalang ako ay kating-kati na sa suot kong dress. Gusto ko na rin agad umuwi dahil pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda mamaya.

Pumasok kami sa elavator at pinindot ni kuya kung anong floor ang pupuntahan namin.

Sumara ang elevator at ilang sandali pa ay tumunog ito at lumabas na kami. Kumapit ako sa braso ni kuys nang makita ko ang maraming tao sa floor na tinigilan namin.

Napapatingin sa amin ang iba at ‘yung iba naman ay seryosong nakamasid sa amin. Napayuko na lang ako sa hiya. Naglakad kami sa red carpet kasabay nang pag-flash ng camera sa amin.

Feel ko artista ako.

“Kuys, ano bang gagawin natin dito? tanong ko nang maupo kami.

“Makikita mo mamaya.

Tumango na lang ako at namapak ng nachos na nakahain sa lamesa. Iginala ko na lang ang mata ko dahil baka may kilala ako rito ngunit puro businessman at mga kung sino-sinong bigating tao.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon