Chapter 59

1.4K 69 5
                                    

New Chapter

AICE’S POINT OF VIEW

Namayani ang katahimikan sa apat na sulok ng kuwarto matapos ang sinabi ni kuys. Nanatili ang mata ko kay kuys na mataman ding nakatingin sa akin.

Suicide?

Naglo-loading pa ang utak ko sa sinabi niya. Pero sa bagay, daig pa niya ang takas sa mental. Ito nga at muntik ko nang makita ang liwanag patungong langit dahil sa kaniya.

Pero pakiramdam ko ay may mali.

Naputol lang ang titigan namin nang bumukas ang pinto. Agad akong napangiti nang pumasok si Kuya Cooler na may dalang supot mula sa isang kilalang fastfood restaurant.

Pagkain, pagkain.

Agad kong hinablot ang supot sa kamay niya na tila ba isa akong kawatan. Akmang bubuksan ko na ang supot pero nagsalita si kuya.

“Sinong may sabing para sa’yo ‘yan?” Napawi ang ngiti ko at napalitan ng pagkasimangot.

Ako ang magpabili, ‘di ba? Kaya akin ‘to!

“Kidding, kumain ka na nga diyan. Baka mamaya bigla ka na lang magwala. May aasikasuhin lang kami,” dugtong niya at lumapit sa akin bago ako halikan sa noo.

Ay susme, pagka-sweet naman!

Tumayo na si Kuys Ice at lumapit sa akin saka ginulo ang buhok ko. Ngumiti siya sa akin.

“Babalik din kami mamaya, ‘wag kang magpapasok ng kung sino-sino dito, ha,” paalala pa ni kuys. Gano’n din si kuya.

Nagpaalam na sila at sabay silang lumabas. Paulit-ulit pa silang nagbilin na ‘wag magpapasok ng kung sino at tawagan ko raw sila ‘pag may kailangan ako.

Tango lang ang isinasagot ko dahil busy ako sa pagkain.

Habang kumakain ay ang pagpapakamatay pa rin ni Xanthos ang nasa isip ko. Malakas ang kutob ko na hindi nagpakamatay si Xanthos.

Maaring may pumatay sa kaniya o talagang nagpakamatay siya pero ayokong mag-conclude agad dahil baka mamaya mali pala ang hinala ko. Baka kasi totoong nagpakamatay talaga siya ako lang ‘tong todo hinala.

Tayo kasing mga babae laging tama ang hinala natin, parang ‘yung hinala ni Author na sa umpisa lang talaga masaya at sa huli iiwan ka rin niya.

Pero hindi talaga ako mapakali! Para talagang may mali! Pero hayaan ko na lang! Kung patay na si Xanthos, e’di goods. Kung buhay naman, himas rehas nga lang hindi sa presinto kundi sa mental hospital.

Sumama agad kay satanas, eh. Hindi man lang naranasan ang maghimas rehas.

Napadighay ako nang maubos ko ang pagkain ko. Kinuha ko ang bote ng tubig sa side table at uminom.

Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Dahan-dahan akong tumayo kahit nakailang beses nang kumirot ang tahi ko. Nakailang mura pa ako bago ako tuluyang nakatayo dahil sa tahi ko rin sa hita. Hindi ko rin maigalaw ang isa kong braso dahil sa tahi ko sa balikat.

Next time ako naman ang babaril sa kanila.

Malapit nang sumabog ang pantog ko kaya dali-dali kong hinila ‘yung dextrose stand ko papuntang banyo. Siyam-siyam bago ako makalakad ng maayos dahil sa pagkirot ng tahi ko sa tatlong tama ko.

No ba ‘yan! Bakit kasi ang layo ng banyo?

Nang makarating sa banyo ay iika-ika akong pumasok at saka naupo sa trono. Lumibot naman ang paningin ko sa kabuuan ng banyo.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon