Chapter 13

1.9K 85 4
                                    

Asuncion (Part five)

AICE’S POINT OF VIEW

Tila tumigil ang lahat sa sinabi ng emcee. Sino ba naman ang hindi mabibigla? Isang estudyanteng katulad ko, may ari ng hacienda?

“Are you joking?” inis na tanong ni Trina sa emcee.

“What? Do you think I’m joking?” nakataas na kilay na tanong naman ng emcee.

Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang sinabi ng madaldal na emcee.

Natampal ko na lang noo ko. Bakit ba kasi ang daldal naman ng emcee na ‘to? Pakiramdam ko ay sumakit bigla ang ulo ko.

Siyempre paano ko sasabihin sa kanila na akin talaga ‘to? Paano?  Sagutin niyo ako bibigyan ko kayo ng bente. Siguradong mahaba-habang paliwanagan ito, pagnagkataon.

Natapos ang activity at ‘yung kanina pa rin ang pinaguusapan nila. ‘Yung iba ay naghahanda na para sa bonfire mamaya.

“Hoy, Aice may utang ka pang paliwanag sa amin,” sabi ni Jason sa akin habang nag aayos ako ng gamit.

Utang? Kailan pa ako nagkautang sa’yo?” Umiling lang siya at pumunta sa banyo.

Grabe ha, kung makapagsalita siya akala mo naman napakalaki ng utang ko sa kanila at saka bakit kailangan kong magpaliwanag sa kanila? Kung anong narinig nila kanina, ‘yun na ‘yun.

Inaayos ko na lang ang tutulugan namin ni Kevin mamaya nang biglang lumitaw si Kevin sa harapan ko.

“Hoy, ikaw ha. Mayroon ka pa pa lang hindi sinasabi sa amin,” nanlalaking matang tanong niya.

Bakit ang hilig nila mang-hoy?

Ano ba dapat ang sasabihin ko?” nakataas na kilay na tanong ko. “At bakit kailangan kong magpaliwanag sa inyo?”

Ba’t ang demanding nila? At saka nakakatamad magpaliwanag.

“Siyempre, gusto lang naming makasiguro. Baka mamaya jino-joke time lang kami nung emcee na ‘yun.” Aba’t pumorma pa siya na parang judge sa korte. “So, sa iyo nga ito?”

Napangiwi ako. Lakas ng tama nito. Talagang hindi ako titigilan e.

Medyo?” hindi siguradong sagot ko. Kahit ang totoo, akin naman talaga ‘to.

Ay hindi ka pa sigurado niyan? Ayusin mo sagot mo, para kang siraulo.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad siyang binatukan na ikinangiwi niya.

“Anong siraulo ka diyan? Gusto mong kutusan kita? Ikaw ‘tong tanong nang tanong. Oo, akin nga ‘to! May problema ba do’n?” inis na sabi ko.

“Oo na, oo na. Gagalit agad e,” nguso niya. “Anyways, dito ulit ako matutulog sa tabi mo.” Saka niya inilabas ang isang bag na may laman na mga unan, kumot at kung ano ano pa.

Wala akong nagawa kundi ang pumayag at dahil alam ko namang dito ulit siya tutulog. Sa kulit ba naman ng lahi niyan? Ewan ko lang kung hindi ka tumanda ng maaga sa perwisyo at kunsumisyon.

Maya-maya pa ay tinawag na kami para kumain ng hapunan. At take note, naka buffet pa.

Sana all madaming budget.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon