Chapter 58

1.4K 74 24
                                    

Suicide Squad

THIRD PERSON’S POINT OF VIEW

One week, later.

Mukhang bumabawi ng tulog ang nakababatang Hernandez dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Naghihilom na rin ang mga ilang sugat nito sa katawan.

Mula sa mukha nitong nagpasa hanggang sa dibdib at balikat na may tahi ay naghihilom na rin.

Ang mga tukmol naman ay walang palya sa pagbabantay sa kaniya. Ganoon din ang dalawang kapatid ng dalaga.

Walang umimik nang bumukas ang pintong pinaglalagakan ng nagpapagaling na katawan ni Aice. Pumasok doon ang isang ginang na may nag-aalalang mukha.

“Anak ko, kailan ka ba gigising? Naghihintay na sa’yo ang mga kaibigan mo,” pagkausap ng ginang sa natutulog na dalaga.

Lumabas naman ang ilan sa mga Section D para bigyan ng privacy ang mag-ina. Ang iba naman sa mga Section D ay tulog kaya hindi na nila ginising pa para palabasin. Gano’n ang nagiging routine ng mga ito sa nakalipas na isang linggo.

Papasok sa umaga, diretso ospital sa gabi. Iniintay nilang magising si Aice para ibalita ang overall champion ng section nila sa nagdaang festival.

Paniguradong matutuwa ito.

Laking pasasalamat din nila at ilang araw na lang ay sembreak na. Mas mapagtutuonan na rin nila ang pagbabantay kay Aice.

“Anak, huwag ka sanang magagalit,” sabi ng ginang sa kaniyang natutulog na anak. “A-Ano, ‘yung libro mo, kinain ng daga. Itinapon ko na.

***

AICE’S POINT OF VIEW

“Anak, huwag ka sanang magagalit. A-Ano, ‘yung libro mo, kinain ng daga. Itinapon ko na.

Anong libro? Daga?

Unti-unti kong ibinuka ang bibig ko ngunit nanatiling nakapikit ang mata ko.

“B-Bakit mo i-itinapon?

Malat ang boses ko sa dahil sa ilang araw na hindi ako umiimik. Tinanggal ko rin ang oxygen mask na suot ko para matanggal ang sagabal sa mukha ko.

Nakarinig pa ako ng isang makabasag pinggang sigaw dahilan para mapangiwi ako.

“Tumawag kayo ng doctor!

Dahan-dahan ko iminulat ang mata ko. Tumama ang liwanag na nagmumula sa kisame sa aking mga mata dahilan para mapapikit akong muli. Bahagya ko pang isinangga ang kamay ko bago tuluyang nakapag-adjust ang mata ko.

Puting kisame at puting paligid ang sumalubong sa akin. Iisipin ko na sana na nasa langit ako kaso naalala ko, hindi nga pala tinatanggap do’n ang isang diyosang katulad ko.

Maling gamot ata nasaksak sa akin.

Lumibot ang tingin ko kay mama na nasa tabi ko at umiiyak. Panay ang tanong niya sa akin ng kung ano-ano na hindi ko naman maintindihan. Sa likod naman niya ay ang mga tukmol na gulat na gulat sa biglaan kong pagmulat.

Suprise! Gulat kayo, ‘no?

“Anak, kilala mo ba ako?

“Anak, alam mo ba ang pangalan ko? Pangalan mo?

“Anak, ako ito, ang nanay mo. Magsalita ka naman.

Anak namputa?!

Sunod-sunod na tanong ni mama sa gilid ko. Gusto kong tumawa ng malakas kaso bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala sa akin kaya huwag na lang. At saka, isa pa baka mamaya mapagkamalang pa akong baliw nito.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon