Treat
AICE’S POINT OF VIEW
Hindi pa kami nakakapasok ng Guidance Office ay naririnig ko na ang mala kulog na ang boses ni Kuya Cooler.
“You! Binalaan ko na kayo na sa susunod na gulo niyo, ipapaexpell ko na kayo?! Are still aware of that?!”
Jusko po! Panginoong mahabagin ako po sana at inyong iligtas sa kamay aking ‘angel in disguise’ na Kuya.
Makakaharap ko na si satanas—este Kuya Cooler.
“Chill lil’sis, nandito lang ako at saka si Jasmine. Wag ka masiyadong kabahan,” nakakalokong sambit ni Kuys. Tumingin pa siya kay Jasmine na nasa tabi ko.
Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Parang hinahabol ng kabayo ang puso ko. Yung tipong konting push na lang ay lalabas na.
Pero bigla ring nagtaka dahil bakit niya kilala si Jasmine? O baka talagang magkakilala na talaga sila?
Nawala doon ang atensiyon ko nang dahan dahang binuksan ni Kuys ang pinto at bumungad sa amin ang takot na mukha ng mga estudyante (yung kaninang nakaaway ko) at ang kabadong mukha ng Counselor.
Bakit pati mukha nung Counselor, takot rin?
“Bakit ba ang tagal niyo?! Kanina ko pa kayo hinihintay dito?!” malakas na sigaw ni Kuya Cooler na nagpayanig sa buong pagkatao ko.
Shutangina!
Agad lumapat ang mata niya sa akin. Pakiramdam ko ay may mga laser ang mata niya na kaya akong gawing abo bigla. Iniiwas ko ang mata ko sa kaniya at ibinaling sa kung saan.
Ano to? Sahig? Ngayon lang ako nakakita nito a?
“Chill, Bossing. Paupuin mo muna kami, highblood ka agad diyan,” natatawang komento ni Kuys.
Rinig ko ang panghinga ng malalim ni Kuya na para bang pinakakalama niya ang sarili. “Maupo kayo.”
Umupo kami ni Jasmine sa couch sa gilid at sa tabi naman ng pintuan si Kuys naupo.
“Kindly explain,” mahinahong sabi ni Kuya bago naupo sa sa harap namin.
Yung mga lalaking nakaaway namin kanina ay nasa couch din sa gilid.
Nakakapangilabot ang mga itsura—
“I SAID KINDLY EXPLAIN NOW,” mahinahong ngunit full of authority na sambit ni Kuya.
Bahagya naman akong napaigtad. Mahinahon pa ‘yan ha.
Signal number 1
“G-ganito kasi ‘yun. Pumunta kami sa cafeteria ni Jasmine para kumain---,” naputol bigla ang sasabihin ko ng putulin ni Kuya.
Nagsisimula na naman si ‘Koler the preser.’
“Malamang! Alangan namang maglaba ka ‘dun?!” pamimilosopo niya.
BINABASA MO ANG
Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓
Ficção AdolescenteSection D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g ito? Aice, isang babaeng madalas nadadawit sa gulo at napapa-away, medyo barumbado, saksakan ng ka...