Chapter 24

1.4K 75 8
                                    

Shout

AICE’S POINT OF VIEW

“Aice, ano na balita sa plano natin? tanong ni Kevin.

“Wala pa, hindi pa nagte-text si Aki. Saka puwede ba? Tigil-tigilan mo ang katatanong sa akin. Pang-labing isa mo ng tanong ‘yan,” inis na sagot ko.

Hehe, eksayted lang me.

Mas excited pa sa pagbabalikan nung dalawa.

Tumingin na lang ako sa bintana at tumulala.

Sana umulan ng pagkain.

Dumaan sa harapan ko si Anton na maaliwalas na ang mukha. Mukhang nakinig s’ya sa payo ko kahapon.

Pero sa halip na ngitian ako ay matalim na tingin ang ibinigay niya bago ako nilampasan.

Hmp!

Pumasok na ang first subject. Napilitan akong makinig kahit na wala naman akong naiintindihan.

Natapos ang klase at pumasok naman ang second subject. Naglalakbay ang utak at diwa ko sa kung saan mang lupalop ng mundo.

Nakarinig ako ng palakpakan kaya nakipalakpak din ako na may kasamang pagtayo.

Napalingon ako sa mga tukmol nang marinig ko silang nagtawanan. Napasimangot ako ng makuha kong pinagti-tripan lang nila ako.

“Tindi ng sibangot oh!"”

“Sabog ata si Aice!”

“Tulalaaa!”

Agad kong dinampot ang pinaka malapit na upuan sa akin at akmang ibabatikal sa kanila.

Agad na nagsipulasan ang mga luko at nakuha pa akong pagtawanan.

Mga hudas talaga.

Dumating ang lunch at pumunta ako sa canteen kasama si Kevin.

Umorder ako ng dalawang order ng kanin, isang tipak ng manok, siomai, lumpiang shanghai, at coke.

Dumiretso kami ni Kevin sa third floor kung saan ko nakita ‘yung kahon.

Medyo maalikabok nga lang ‘yung lamesa at upuan.

Kinuha ko sa bag ko ‘yung alcohol at tissue at ipununas sa lamesa at upuan bago gamitin.

“Kain na tayo,” aya ko sa tukmol na kasama ko at umupo naman siya sa tabi ko. Wala muna kaming imik sa isa’t isa habang kumakain.

Sabay pa kaming napadighay nang matapos kaming kumain.

Pero ‘yung akin bitin. Pero mahalaga nakakain.

“Aice, hindi pa ba kayo nagkakausap ni  Aki?” tanong ni Kevin na pasimpleng inuumit ang binili kong pang himagas kanina.

Tinampal ko ang kamay niya na ikinangiwi niya. “Hindi pa nga, sabi n’ya kasi ite-text niya na lang ako pag nakapag-decide na s’ya.

Ibinigay ko kasi ang number ko kay Aki at sinabi kong i-text niya na lang ako ‘pag may desisyon na siya.

Nagpaalam si Kevin sa akin na sa baba na daw muna siya kaya nagpaiwan muna ako dito.

Tumayo ako at akmang lalabas na ng room nang biglang may sumulpot na tatlong lalaki.

Napaatras ako. “Sino kayo at anong kailangan niyo?” tanong ko.

“Hawakan niyo,” utos nung nasa gitna.

Nanlaki ang mata ko. Anak ng?! Sino naman ‘tong mga ‘to?

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon