Chapter 60

2.2K 69 6
                                    

Pursue

AICE’S POINT OF VIEW

“Puwede ka bang maging bagong paksa sa muling pagbubukas ng aking pahina?”

Tila nakalimutan ng puso ang tumibok ng ilang segundo. Na-blanko rin ang utak ko sa sinabi niya.

A-Anong paksa at pahina? Libro ba ako?

Nanatiling nakatitig ang nanunuyo niyang mga mata sa aking mukha na tila ba kinakabisado ito.

Bahagya naman akong na-concious sa itsura ko. Mamaya may muta at panis na laway pa pala ako, e‘di matu-turn off agad siya?

“M-Mukha ba akong libro?” nangingiwi kong tanong nang makabawi sa paglo-loading ng utak ko.

Eh, sa hindi ko maintindihan ang ibig sabihin niya! Puwede namang sabihin niya na lang ng diretso! Pag-iisipin pa ako kung ano ‘yung paksa at pahina na tinutukoy niya.

Malay ko ba sa paksa at pahinang iyan? Pagkain lang ang alam ko.

Napapikit siya at nagbuntong hininga na para bang isang sampong taong gulang na bata ang kausap niya.

Kulang na nga lang ay murahin niya ako dahil sa sinabi ko.

Suri naman.

“Damn, you’re drivin’ me crazy,” aniya at piningot ang ilong ko. May ngiti na sa labi niya na tila ba tuwang-tuwa sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin at agad na tinanggal ang kamay niya sa ilong ko. Gano’n rin ang ginawa ko sa isa pa niyang kamay na nakahawak sa kamay ko.

Nilalandi niya ako!

“‘W-Wag ka ngang feeling close! Hindi naman tayo close para hawakan mo ako ng ganiyan!” singhal ko sa kaniya na ikinatawa niya.

Asus, gusto rin naman.

“What? ‘Yung ganito ba?” tatawa-tawa niyang tanong at muling hinawakan ang kamay ko at sa pagkakataong ito, mas mahigpit na para bang ayaw niyang bitawan pa.

Nag-iwas ako ng tingin. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa ginawa niya. ‘Yung puso ko na kanina ay nakalimutang tumibok, ngayon ay tila hinahabol ng sampung kabayo sa bilis ng tibok.

Si Deive lang ang tanging nakakagawa nito sa akin.

“H-Hindi ko alam, D-Deive,” tanging sagot ko sa tanong niya kanina. Mukhang nakuha niya naman agad ang tinutukoy ko.

Nanatili akong nakayuko at natuon ang mata ko sa kamay naming magkahawak. Dumaan ang ilang segundo at wala akong nakuhang sagot sa kaniya.

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung dapat ko bang bigyan siya pagkakataon. Sa loob-loob ko kasi ay natatakot ako, natatakot sa maraming bagay lalo na’t nang dahil sa kaniya ay napapahamak ako, dahil sa kaniya ay nanganib ang buhay ko.

Naguguluhan ako! Gusto ng puso ko na bigyan siya ng pagkakataon pero kabaligtaran naman ang sinasabi ng isip ko.

Anong susundin ko? Si mama o si kuya?

At ang isa pa, hindi niya sinasabi sa akin kung gusto ba niya ako o hindi! Baka mamaya, inuuto niya lang pala ako, pinaglalaruan at pinapaasa!

Umamin muna siya na gusto niya rin ako. Nauumay na ako sa pagbibigay niya ng mixed signals sa akin, dati ba siyang traffic enforcer?

At ang isa pa, paano pa kaya ‘pag naging official kami? Sa rami pa ba naman ng kalaban niya, baka lalabas pa lang ako ng bahay namin nahila na agad ako ng mga kalaban niya.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon