Lá Asuncion
AICE'S POINT OF VIEW
Kasalukuyan akong naglalakad sa pathway kasama si Kuys na nakaakbay pa sa akin.
Agaw atensyon kami sa mga nakakasalubong at nadadaanan naming estudyante.
"Kuys, pwede pakitanggal ng kamay mo sa balikat ko? Kasi ano..." Inginuso ko sa kaniya 'yung mga nadadaanan naming estudyante na malisyosong nakatingin sa amin.
Bukod sa nakaakbay siya sa'kin e, nilalamutak niya din ang pisngi ko.
Lumingon siya sa akin. At sa halip na tanggalin ngumisi lang siya.
"Ano ba?!" inis na bulyaw ko sa kaniya at tinanggal ang pagkakaakbay niya pero ibinalik niya ulit.
"Oh bakit?" inosente niyang tanong. Ngumiti ako ng sarkastiko sa kaniya.
"Kuys, isa pa babalian na kita ng buto."
"Ito na nga." Tinaas niya ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko. "Highblood ka agad."
Agad ko siyang binatukan ng malakas.
"Tado! Kanina pa akong nabubwisit sa'yo," inis na bulong ko.
Badtrip!
"Sorry na nga! Libre kita mamaya ng siomai saka siopao."
Agad na nagliwanag ang mata ko sa sinabi niya.
Pagkain.
"Basta ba libre. G,ako diyan!"
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Pag pagkain ang pinaguusapan, limot mo ang lahat ano?"
"Ako pa?"
Nagpatuloy kami sa kulitan hanggang sa makarating ako sa room ko. Inihatid niya ulit ako dahil baka anuhin na naman daw ni Trina.
Ngayon ko lang din nalaman na SSG President siya. Hayaan ko daw siyang pagsabihan si Trina pero sabi ko 'wag na kasi baka sabihin ni Trinang bruhilda, sipsip ako.
Panibagong issue na naman iyon pagnagkataon.
Nang maihatid ako ni Kuys sa room ay agad siyang nagpaalam dahil may gagawin pa daw siya.
As usual masama pa din ang tingin sa'kin nina Trinang bruhilda at ang mga kapwa niya coloring book.
Tundusin ko kaya mata niyo?
"Oh! So, hatid sundo ka na pala ni Ice?" pampaplastik niya sa akin.
"Bakit inggit ka?" bara ko sa kaniya na siya namang ikinataas ng kilay niya. "Asa ka naman," bulong ko.
Nawala ang ngiti sa labi niya.
"Ako? Maiinggit sa'yo? Bakit maganda ka ba? Hindi ko inugaling mainggit sa low class bitch na katulad mo," pagmamayabang niya pa. "I'm not pathetic like you, low class bitch."
Aray, emotional damage 'yun a.
"Aba putangina nito," pabulong kong pang gagaya sa maarte niyang boses. "Bakit maganda ka rin ba? Makalait ha? Ikaw nga itong mas kalait lait sa ating dalawa, bruha."
BINABASA MO ANG
Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓
Teen FictionSection D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g ito? Aice, isang babaeng madalas nadadawit sa gulo at napapa-away, medyo barumbado, saksakan ng ka...