Review
AICE’S POINT OF VIEW
“Hi, kiddos! Pasok kayo. Naghanda ako ng meryenda,” bati sa amin nung babae na nasa tantiya ko ay nasa mid forties. Sa palagay ko ay nanay siya ni Arvie. “Pasok kayo.”
Pumasok kami at hindi mapakali ang mata ko na kung saan saan lumilinga, namamangha sa ganda ng bahay nina Arvie.
Ang makintab na sahig ay parang salaman na ‘pag humarap ka ay makikita mo ang sarili mo. May grand staircase sa gitna na may mamahaling halaman sa bawat baitang.
Nagtungo kami sa malawak na salas. “Upo kayo.”
Nagpaalam ang nanay ni Arvie na kukunin daw muna ang meryenda namin sa kusina.
“Naka-uwi na pala sina tita?” tanong ni Kaylee na akala mo ay sariling bahay ito at talagang nahiga pa sa sofa. “Akala ko next week pa?”
“Vacation. Then business, again. You know, my parents are both workaholic.” Nagkibit balikat si Arvie at bumaling sa ‘kin. “Upo ka,”
Napansin niya siguro na nakatayo ako. Nahihiya kasi ako. Pero ang mga kasama ko wala.
Makakapal ang mukha nila.
Umupo ako sa pang isahang sofa at inilapag ang gamit ko. Dumating na rin ‘yung nanay ni Arvie na may dalang mga cookies at cupcakes.
“Meryenda muna kayo,” aya niya sa amin. Lumapit naman sina Deive at kumuha.
“Tita, masarap pa rin talaga ang mga bine-bake mo. Magdadala ako mamaya,” sabi ni Kaylee na kulang na lang ay mabulunan.
Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin si Arvie na may dalang platito na may lamang cookies at cupcakes.
“Meryenda muna bago tayo magsimula.”
Kahit nahihiya ay tinanggap ko ang iniabot niya. Kanina pa kasi tumutunog ang tiyan ko.
Kumagat ako sa cupcake at gusto kong umagree sa sinabi ni Kaylee. Masarap nga! Kumagat pa muli ako.
Kukuha pa sana ako ng isa nang makita ko ‘yung nanay ni Arvie na matamang nakatingin sa akin. Bahagya naman akong nahiya at tumungo na lang.
“Arvie, honey,” tawag nito kay Arvie. “Can I asked who is this girl? She looks so familiar.”
Kinabahan naman agad ako sa sinabi ng nanay ni Arvie.
“Ah, mom she’s Aice, my classmate. Aice, my mom, Arliesa,” pakilala ni Arvie.
Tumayo ako at bahagyang yumuko. “N-nice to meet you po.”
“If you don’t mind, sino ang mga magulang mo at anong trabaho nila?” nakangiting tanong ng nanay ni Arvie.
Napakurap-kurap ako at hindi ipinahalata ang pagkagulat ko.
“Mom,” may himig ng pagbabanta sa boses ni Arvie.
“Why? I’m just asking!”
“You’re intimidating her!”
Tumingin sa akin si Arvie at ngumiti ako para bang sinasabi na pasensiya na. Ngumiti lang ako sa kaniya.
“U-uhm ang magulang ko lang po ay si Sevirina Hernandez” sabi ko at ngunit agad na nagbago ang timpla ni Ma’am Arliesa.
Nagtaka naman ako. Bahagyang nangunot ng noo ni Arvie maging sina Deive ay napatigil rin sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓
JugendliteraturSection D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g ito? Aice, isang babaeng madalas nadadawit sa gulo at napapa-away, medyo barumbado, saksakan ng ka...