Together Again.
AICE'S POINT OF VIEW
"Kuya naman iih!" maktol ko kay kuya.
Nagpaalam ako sa kaniya na makikipagkita ulit ako kay Arvie ngayon. Kaso hindi ako pinayagan.
"Tumigil ka diyan, Nichole," iritadong suway niya. "Kung gusto mo talagang makita 'yung gagong 'yun, papuntahin mo dito para makapag-usap din kami."
Maka-gago naman 'to.
"Anong gustong makipagkita? Kuya nagpapatulong ako sa kaniya sa Math!"
"Bakit at para saan?" kunot noong tanong niya.
Agad akong yumuko at pinaglaruan ang kamay ko. Yari na naman ako.
"E-eh ganito kase k-kuya." Ngumiti ako sa kaniya nang alanganin. "M-mababa daw 'yung nakukuha kong score sa Math. Kaya ina-assign siya sa akin ni ma'am na magtuturo."
Hindi siya sumagot at seryoso siyang tumingin sa akin. Kaya nagtaka ako. Pero pakiramdam ko ay sinasakal niya na ako sa isip niya.
Matunog siyang nagbuntong hininga. "May magagawa pa ba ako?"
Oo, kung papayagan mo ako.
"Payagan mo lang ako, kuya. Okay na sa akin 'yun," suggest ko pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay.
"Call or text Arvie. Sabihin mo ay pumunta siya dito para makapagpaturo ka," sabi ni kuya bago nagtungo sa kusina.
Ngumuso ako at inis na napapadyak sa sahig dahil wala nang magawa sa sinabi niya. Umakyat ako sa kuwarto ko at hinagilap ang cellphone ko.
To Arvie:
Pumunta ka daw dito sa bahay sabi ni kuya. Dito daw tayo magtuturuan.
Nagreply naman agad siya.
From Arvie:
Copy. I'm on the way.
Hindi na ako nag-reply at nagtungo na sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nag-ayos ako nang kauntian.
Naglagay ako ng pulbo at liptint para naman presentable ako sa harap ni Arvie. Kakahiya naman kung haharap akong mukhang dugyot 'di ba?
Lumabas ako ng kwarto dala ang mga gagamitin namin. Libro, papel, ballpen at kung ano-ano pa na kakailanganin namin.
Pagbaba ko, naabutan ko si Kuys Ice na nasa pinto.
"Sinong bisita mo?" tanong ni kuys na nakatingin sa gate.
"Ah, kaklase ko." Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko na si Arvie ang dadating.
Kunot noo siyang bumaling sa akin. "Sinong kaklase? Si Wendell?"
"Wendell?" nagtatakang tanong ko.
"Si Arvie Wendell, bestfriend ni Salvador," matabang na aniya bago ako talikuran at nagtungo sa taas.
Ay bitter pa rin yarn?
Napanguso ako dahil parang sagad sa buto ang sama ng loob at galit niya kay Deive at sa mga kaklase ko.
Pumunta na lang ako sa labas at nakita ko si kuya na seryosong kausap si Arvie.
Bahagya namang nangunot ang noo ko. Lalapit na sana ako sa kanila nang makita ko ang pagtapik ni kuya sa balikat ni Arvie.
Nakita ako ni Arvie. Ngumiti siya sa akin at kumaway bago lumabas ng gate saka sumakay sa kotse.
Nanlaki ang mata ko at akmang hahabulin siya pero pinigilan ako ni kuya.
BINABASA MO ANG
Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓
Teen FictionSection D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g ito? Aice, isang babaeng madalas nadadawit sa gulo at napapa-away, medyo barumbado, saksakan ng ka...