Chapter 20

1.7K 71 6
                                    

Wag si Deive?

AICE’S POINT OF VIEW

Ano, ate? Tutunganga ka na lang ba diyan?” tanong ni Deivine na umiinom ng juice.

Nag-walk out kasi ako kanina sa hiya dahil sa sinabi ni Deive.

Sexy daw ako.

“Ayoko na magsuot nito. Magpapalit na ako,” nakasimangot na sabi ko at kinuha ‘yung bag ko. Pero naalala ko na nasa couch sa taas ‘yung mga gamit ko.

“Anong magpapalit? Sexy mo kaya, Aice, asar ni Kevin na sumulpot sa tabi ko.

Tigilan mo nga ako, Kevin.

Totoo naman ah. Sexy ka daw sabi ni Deive. Yiee, hihihihi!” sabi niya na animo’y kinikilig. Sinusundot sundot niya rin ang tagiliran ko.

Pa-simple kong tiningnan si Deive na nasa gilid ng pool at umiinom mag isa.

Muling nag-init ang pisngi ko nang maalala ko ang sinabi niya.

Bumaling ako kay Kevin at tiningnan  siya nang masama.

“Dali na, Aice. Hanggang three thirty lang tayo,” sabi niya saka tumingin sa relos niya. “Alas tres na pala.

“Sige na, ate, mag-swimming ka na,” gatong naman ni Deivine. Umiling na lang ako sa kanila.

“Ayoko nga sabi! Ba’t ba ang kulit nyo?” naiinis na tanong ko.

Ayaw ko sa lahat ay pinipilit ako sa bagay na hindi ko naman gusto.

“Minsan lang naman, Aice, nakangusong sabi ni Kevin na mangilid ngilid luha pa.

“Dali na! Magsu-swimming na ‘yan! Magsu-swimming na ‘yan!” kantiyaw naman nina Kaylee.

Ano bang hindi niyo maintindihan sa salitang ayoko? Pag sinabing ayoko, ayoko. Kaya ‘wag kayong mapilit diyan. Lunurin ko kayo eh,” inis kong saad sa kanila.

Kinuha ko ang roba na suot ko kanina at ibinalot sa katawan ko.

Na-badtrip ako bigla.

Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na ako sa taas para magpalit. Tanda ko naman ang daan kaya hindi ako nahirapang hanapin ang kuwartong pinasukan namin kanina.

Pagkapasok ko, agad kong kinuha ang damit ko sa couch at nagtungo sa banyo para magpalit.

Lumapit ako sa salamin para tingnan ang aking mukha.

Salamin ,salamin, sabihin sa akin. Sino ang maganda si Aice o si Athalia?

Syempre ako. Lalayo pa ba tayo?

Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. Putok ang labi ko at nagkukulay ube na rin ang pisnge ko dahil sa tinamo ko kanina sa holdapan.

Hala sige! Makipagsuntukan ka pa. Yari ka kay kuya!

Naghilamos ako bago lumabas. Kinuha ko ang bag na dala dala ko at kinuha ang cellphone ko para i-text si kuya na pauwi na ako.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon