Chapter 53

1.2K 67 6
                                    

Got into Trouble

AICE’S POINT OF VIEW

Naalimpungatan ako nang may bumuhos sa aking mukha. Ramdam ko rin ang pananakit ng batok ko na marahil ay gawa ng nangyari kanina.

Grabe, pati ata utak ko naalog sa paghampas nila.

“Gising na ang mahal na prinsesa.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Ngunit muli akong napapikit nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Hindi ko rin maigalaw ang kamay at paa ko dahil mukhang itinali ako ng mga hampaslupang ito.

Ang huli kong natatandaan ay may isang humampas sa batok ko bago ako mawalan ng malay.

Nang makapag-adjust na ang mata ko ay agad kong sinamaan ng tingin ang mga dumukot sa akin. Inilibot ko ang mata ko at mukhang nasa abandonadong building ako. Nakita ko rin sa isang sulok ang nga lalaking humabol at dumukot sa akin.

Sa susunod, ako naman ang hahabol at dudukot sa inyo.

Mukhang ilang oras na rin akong walang malay dahil papalubog na ang araw na tanaw ko mula sa isang bintana.

“Anong kailangan niyo sa akin? Sinabi ko naman na inyo na hindi ako ang girlfriend ni Deive kaya kung ano mang balak niyo, huwag niyo akong idamay!” galit sa sigaw ko sa kanila nang maalala ang huling usapan namin kanina.

Mukha ba talagang jowa ko si Deive? Eh, hindi nga ako gusto! Tindi naman mag-isip ng mga ‘to, nahiya ako. Hindi ako na-inform e’di sana kinareer ko.

Eh, jowa pala ang gusto bakit hindi kayo ang jumowa do’n?

Tinawanan lang nila ang sinabi ko na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

“Ginagago mo ba kami?

Oo, bakit aangal ka?

Lumapit sa akin ang isang lalaki na naka-maskara. Sinubukan kong bosesan siya pero bigo ako dahil sa maskarang humaharang sa mukha niya.

May kalakihang tao siya at maraming tattoo sa katawan. Mukhang may kaya siya sa buhay. Hindi ko siya kilala base sa bulto ng katawan niya. Wala rin naman akong balak kilalanin kung sino siya dahil ramdam ko na delikado ang buhay ko sa kaniya.

Feel ko kampon ‘to ni Satanas.

Napalunok ako sa kaba. Dahan-dahan nang kino-corrupt ng kung ano-anong senaryo ang isip ko.

Paano kung pagsamantalahan ako nito tapos patayin ako at itapon sa ilog? O kaya naman ay gahasain ako tapos malalaman ko na isa pala siyang mafia boss na kailangan ng asawa at ako ang gagawin niyang asawa?

Gago, paano na ang bataan? Isusuko ko na ba? Charot, kung papayag ako.

Mamatay muna siya bago niya ako makuha.

Hinawakan niya ang panga ko ng mahigpit na nagpabalik sa akin sa realidad. “Ilang beses na kayong nakita ng tauhan ko na naghahalikan at magkasama, tapos sasabihin mong hindi ka niya girlfriend? Ginagago mo ba ako?

Ay, may cctv siya?

Naghalikan at magkasama lang, mag-jowa na agad? Puwede bang friends lang? Kaklase lang pala ako, ouch. Saka kung ilang beses na nila kaming nakita na magkasama at naghahalikan, (si Deive lang ang humalik sakin, lol) ibig sabihin ay matagal na nila kaming minaman-manan?

Natigilan ako sa naisip ko.

“Saang lupalop naman ng mundo niyo nakuha ‘yan? Sigurado ba kayo na jowa ko si Deive, ha? Sigurado kayo? Eh, sa pagkakaalam ko kaklase lang ang turing niya sa akin!” sagot ko sa kaharap ko na mas lalong humihigpit ang pagkakahawak sa panga ko. Kumirot naman ang dibdib ko sa sinabi ko. “Uto-uto ba kayo? Mas marunong pa kayo sa akin, ha!”

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon