Utang
AICE’S POINT OF VIEW
“Good morning, everyone!” masiglang bati ko kina mama, pagpasok ko ng dining kung saan sila kumakain ng agahan.
“Oh, ang aga mo namang nagising?" takang tanong ni mama.
Ang totoo niyan ay maaga naman talaga akong nakatulog dahil na rin siguro sa pagod. Naalala ko na naman tuloy ‘yung sinabi ni Migs.
Good vibes lang tayo ngayon.
“Maaga lang nakatulog kagabi,” pagdadahilan ko at kinapa ang bulsa ko at kinuha ang black card ni kuya. “Kuya, black card mo.”Abot ko sa kaniya pero hindi niya kinuha at tinitigan lang ako. Taka ko naman siyang tiningnan. “Ayaw mo?”
“I thought, sa isang araw mo pa balak isauli ‘yan. Nabili mo na ba lahat ng gusto mo?” tanong niya at himigop ng kape.
“Wala na. Kaya nga sinasauli ko na eh.” Abot ko sa kaniya at walang pag-aalinlangan niya namang kinuha.
“Kumain ka na. May pupuntahan tayo.”
Nagsimula na akong kumain. At gaya nang napag-usapan, gumayak kaming lahat para daw sa pupuntahan namin. Medyo kinabahan pa nga ako dahil baka maulit na naman ‘yung nangyari noong huli kaming umalis. Naligo na lang ako at nagsuot ng jeans at t-shirt. Sa baba naman ay rubber shoes.
“Tara na?” yaya ni kuya at sumakay na kami sa kotse niya.
***
“Aice, push na!”
“Ayan na ang kalaban! Kuys, back up!”
“Push na kasi!”
“May kalaban nga, eh!”
“Tss! Tago ka sa damo ta’s ‘pag lumampas sila saka ka mag-push!”
“May nakabantay nga sa tore!”
Panay ang dutdot ko sa aking cellphone dahil sa ml. Niyaya ako ni kuys tapos magagalit ‘pag hindi ako marunong! Aning lang?
Malay ko ba sa larong ‘yan.
“Tumigil nga kayo riyan! Kung ayaw niyong itulak ko kayo palabas ng sasakyan!” galit na suway sa amin ni kuya na nagmamaneho ng sasakyan.
Nasa backseat kami ni kuys at nasa passenger seat naman si mama.
Dali-dali kong pinatay ang cellphone ko at tumingin sa bintana, takot na itulak ni kuya, palabas ng sasakyan.
Ramdam ko naman ang masamang tingin sa akin ni kuys dahil sa ginawa ko. Pihadong talo siya sa laro.
Hahahaha! Deserve.
“Lagot ka sa akin, mamaya,” banta ng katabi ko.
Nilingon ko siya at benelatan. Asa siya na matatakot ako sa kaniya. Ambang babatukan niya ako pero nakasigaw agad ako.
“Kuya, si Ice, oh! Babatukan ako!” sumbong ko. Napalingon naman siya sa amin gano’n din si mama.
“Tigilan mo nga ‘yan, Ice,” suway sa kaniya ni mama na siya namang ikinasimangot niya. Napangisi na lang ako.
Tumagal pa ng ilang minuto ang asaran at pikunan namin. Madalas, ako ang pikon at tuwang-tuwa naman siya.
Need ko ng tutorial kung paano hindi mapikon ng mabilis.
BINABASA MO ANG
Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓
Fiksi RemajaSection D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g ito? Aice, isang babaeng madalas nadadawit sa gulo at napapa-away, medyo barumbado, saksakan ng ka...