Alaala
AICE’S POINT OF VIEW
Umuwi muna ako sa bahay matapos ang nangyari kanina. Hindi ko nga alam na nakarating na pala ako sa bahay namin nang hindi ko namamalayan.
Lutang ako dahil hindi mawala-wala sa isip ko ang ginawa kong ka-shungahan kanina at talagang kay Deive ko pa ginawa iyon!
Anong mukha ang ihaharap ko sa kaniya?
“Anak, nai-handa ko na ang mga gagamitin mo. Sure ka na bang ayaw mo kaming pumunta do’n?” tanong ni mama sa akin matapos ang pag-aayos niya ng lahat ng kakailanganin ko sa pageant.
“Ma, ayokong makita niyo ang hitsura ko sa pageant na ‘yun.” Napasimangot ako ng makita ko ang six inches na stiletto’ng itim.
“Oh, siya sige, basta tawagan mo na lang kami ‘pag may kailangan ka,” nakangiting aniya. “Halika na’t kakain na tayo.”
Sumunod naman ako sa kaniya papuntang dining kung saan nakaupo na ang dalawa kong kapatid.
Naupo ako sa tabi ni kuys na iritado ang mukha. Napangisi naman ako dahil mukhang minisahan siya ni kuya.
Ako raw ang next.
Tahimik kaming kumakain nang bigla akong tawagin ni kuya. Bigla naman akong kinabahan dahil mukhang alam ko na kung saan ang patungo ang usapang ito.
“Aice.”
Nagkanda samid-samid pa ako sa biglaang pagtawag niya sa pangalan ko. Nagsitaasan pa nga ang mga palahibo ko na nagbigay kilabot sa akin.
“B-Bakit, kuya?”
Hindi ko sinasalubong ang mata niya dahil paniguradong bubulagta na lang ako sa sama ng tingin niya. Ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin.
“Gumayak ka, may pupuntahan tayo,” utos niya. Napaangat ang tingin ko sa kaniya at bahagyang nagsalubong ang kilay.
Masama ang kutob ko rito pero nagtanong pa rin ako. “Saan?”
“Psychiatrist.”
Natigilan ako maging ang mga kasama namin sa hapag.
“May nangyari ba?” tanong ni Kuys Ice pero walang sumagot sa kaniya.
“K-Kuya, ayoko,” agad na pagtanggi ko kasabay ng pag-iling ko. Ayoko! Alam kong pipilitin na naman nila akong maka-alala at alalahanin ang hindi ko naman maalala!
Baka maalala ko na isa pala akong baliw noon, char.
Napapikit ako kasabay ng paghampas niya sa lamesa. Napapikit ako sa biglang takot na naramdaman.
“Hayaan mo na muna siya, Cooler. Baka hindi pa handa ang kapatid mo,” suway ni mama kay kuya pero hindi ito natinag.
“Kailan pa?! Kung kailan mamatay ka na?! Kung kailan mapapahamak ka na?! Aice para sayo---”
“Igapos niyo na ‘yan!”
“Gawin mo na lang ang gusto namin para hindi ka masaktan!”
“Walang silbi!”
Napahawak ako sa lamesa dahil sa biglang pagkirot ng sintido ko.
Arghhh! Naririnig ko na naman sila! Sino ba sila at bakit ko naririnig ang boses nila?
Napapikit ako ng mariin nang biglang may pumitik na kung ano sa isip ko.
“Chris, ano bang ginawa ko sa’yo?!”
BINABASA MO ANG
Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓
Teen FictionSection D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g ito? Aice, isang babaeng madalas nadadawit sa gulo at napapa-away, medyo barumbado, saksakan ng ka...