Chapter 25

1.5K 67 2
                                    

Aki and Anton (Part 1)

AICE'S POINT OF VIEW

Tahimik akong kumakain ng agahan kasama sina kuys at kuya.

Kulang na lang na magkanda samid samid ako sa tulin ng pagsubo.

Manenermon si kamatayan.

"Aice." Nanlaki agad ang mata ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"B-bakit kuya?" kabadong tanong ko.

"Kamusta ang pag aaral mo?"

Mas lalo pa akong kinabahan 'pag kalmado siya.

"A-ah, okay naman," sagot ko at ngumiti pero nauwi sa ngiwi dahil sa sama ng tingin niya. "Hehe, bakit?"

"Anong 'yang nasa mukha mo? Pasa ba yan?"

Naiwan sa ere ang kutsang isusubo ko sana nang biglang hampasin ni kuya ang lamesa. Maging si kuys na iinom na sana ay muntikan pang mabitawan ang baso sa gulat.

"Hehe, kuya w-wala 'to. Napahampas lang sa pinto kagabi," pagdadahilan ko. Agad ko namang tiningnan ng masama si kuys na pa-simple akong tinatawanan.

"Siguraduhin mo lang dahil 'pag nalaman kong nagloko ka na naman, sa kumbento ang pasok mo."

"Wag!" sigaw ko. "Hindi ako tatanggapin do'n. Masusunog ako," bulong ko.

Inambaan niya ako ng batok kaya napatakbo ako pero agad ring bumalik sa hapag para kunin ang natira kong hatdog.

Hehe, food iz layp!

***

"Aice, ibigay mo na ang number ni Aki sa 'kin," pagmamakaawa sa akin ni Anton.

Napangiwi ko dahil sa kanina pa niya ako inuukit tungkol sa bagong number ni Aki.

"Ayaw nga ipabigay. Kulit," inis na sabi ko.

Nagulantang na lang ako ng magsimula nang umiyak na parang sanggol si Anton. Napakurap na lang ako sa inakto ng hudas na 'to.

"Hala ka, Aice! Pinaiyak mo!"

"Lagot ka kay Aki!"

"Pangit mo umiyak p're."

"Mas pangit ka pero 'di niya lang sinabi."

Natampal ko na lang ang noo ko. Laking tulong ng mga impakto.

"Aiceee! Ibigay mo na!" atungal ni Anton.

Napapikit na lang ako sa inis. "Ayaw nga ipabigay!" singhal ko. Parang hindi ako sinungitan kahapon ah?

Tinalikuran ko siya at naglakad papuntang third floor. Papahangin muna ako at sisinghot ng polusyon sa hangin. Vacant naman kami hanggang lunch.

Sumandal ako sa railings at pinanood ang mga estudyanteng naglalakad.

Hayyy. Isang buwan na ring mahigit simula ng mapunta ako sa section D, ang Daisy.

Hindi ko inaakala na magtatagal ako sa section na 'yun sa kabila ng ginawa nila sa akin.

Hindi ko naman maitatanggi na masaya silang kasama at kaklase kahit puro sila kalokohan.

Nanatili muna ako nang ilan pang minuto. Akmang hahakbang ako nang may marinig akong umiiyak.

Nanlaki ang mata ko at nagsisimula na ring kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Bigla rin akong kinabahan.

Usap-usapan kasi kanina ng mga tukmol na may nagpaparamdam daw na babae dito sa third floor.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon