Chapter 35

1.3K 68 5
                                    

Blood and Blackout

AICE’S POINT OF VIEW

Pagkalipas ng event, nawalan ako nang kibo sa bahay sa mga nagdaang araw. Tanging pag-iling at pagtango lang ang isinasagot ko ‘pag nagtatanong sila.

Mas maigi na rin siguro ‘yun para hindi ko malaman ang itinatago nila.

Besides ayoko na rin namang malaman kung ano ‘yun. Dahil alam ko sa sarili ko na maaaring ikasakit at ikapahamak ko ‘yun.

Darating ang tamang oras para do’n at sa ngayon ay kailangan ko munang ihanda ang sarili ko.

“Pasok na ‘ko,” walang kabuhay-buhay kong paalam kay mama. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad palabas ng bahay.

Maaga akong nagising. Pasado alas kuwatro ng umaga ay mulat na ako. Ala sais na ng umaga ngayon at alas otso naman ang simula ng klase. Kaya nag-decide ako na maglakad-lakad muna. Tutal maaga pa naman at ayaw ko ring sumabay kina kuya.

Papasikat pa lang ang araw nang lumabas ako ng subdivision. Nagtanong-tanong ako kanina sa mga katulong namin sa bahay kung saan ang daan papuntang school. May ibinigay sa aking papel na may mga direksiyon.

Pumasok ako sa isang kanto. Sabi kasi sa papel short cut daw ‘yun. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero agad ding natigil dahil sa apat na kalalakihang nag-aaway sa daan.

“Gago ka, Tristan!” sigaw nung isang naka pulang lalaki sa lalaking naka puti.

Tristan?

“Ano? Ano? Kaya pa? Ang hihina niyong sumuntok!” mayabang na sabi nung tinawag na Tristan.

“Mga k-kuya, makikiraan po.Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila.

Napatingin sila sa akin at sinamaan ako mg tingin. Awkward naman akong ngumiti at dumaan sa gilid nila. Pero alerto ako dahil baka bigla na lang akong suntukin ng isa sa kanila.

“Miss, umalis ka na dito. Sa iba ka na lang dumaan, gasing sa akin nung isa na nakapula na mukhang nabitin sa pagsuntok niya. Masama pa ang tingin nito sa akin.

Napairap ako. “Pagka-daan ko saka niyo ipagpatuloy ang pagsusuntukan niyo. Dadaan lang naman ako,” inis na sabi ko at nilampasan sila. Mahirap na, baka madamay ako sa gulo.

Baka salubungin ako ni kamatayan.

Laking pasasalamat ko na lang at pinadaan nila ako bago nila ituloy ang rambulan nila. Pero hindi pa ako nakakalayo nang may tumawag sa pangalan ko.

“Aice, intayin mo ‘ko! Tatapusin ko lang ‘to!

Napalingon ako at nakitang ‘yung Tristan ang tumawag sa akin. Nangunot ang noo ko. Bakit alam niya ang pangalan ko? Pero teka pamilyar ang pangalan niya at mukha niya. Baka isa sa mga tukmol.

Baka stalker.

Hindi ko pinansin ang sinabi nung Tristan at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Bahala siya do’n, pag-iintayin pa niya ako, ayoko nga.

Nakahawak ako sa tig-kabilang strap ng bag ko. Sinisipa ko pa ang maliliit na bato na nadadaanan ko.

Sa kalagitnaan nang tahimik na paglalakad ko, may humawak sa balikat ko. Balak ko sanang murahin sa gulat.

“Paksh---”

“Aice! Sabi ko, intayin mo ‘ko!

“Bakit ka ba kasi nanggugulat?!” inis na singhal ko kay Tristan.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon