Chapter 33

1.4K 65 1
                                    

Welcome back, Athalia?

AICE'S POINT OF VIEW

Natapos ang gulo kanina at tila ba walang nangyari sa mga tukmol. Panay ang tawanan at kasatan. May kumakanta, may natutulog at siyempre hindi mawawala ang maingay. Kagaya na lamang ng katabi ko na ang sarap pasakan ng basahan ang bunganga.

"Aice, samahan mo ako, mamaya," kulit sa akin ng batang tukmol.

"Ayoko nga sabi."

"Sasamahan mo lang naman ako ihh!"

"Ano namang gagawin ko do'n?"

"Samahan mo lang ako tapos ililibre kita sa National Bookstore," sabi niya na ikinalingon ko.

"Talaga?" Kulang na lang ay pumalakpak ang tainga ko sa tuwa.

Nakatisod ako ng grasiya, sana kayo rin.

"Oo, basta samahan mo ako." Tumango tango ako sa kaniya bilang pagpayag.

"Sige."

Sasamahan ko lang naman siya. Saka sayang din 'yung libre sa National Bookstore.

Paniguradong may maidadagdag na naman ako sa collection ng libro ko.

***

Natapos ang klase at pumunta ako sa tambayan kasama si Kevin gaya nang napag-usapan namin kanina ni Anton.

"Oh mahal, bakit hindi ka pa kumakain? Tititigan mo na lang ba ako habang-buhay?" tanong ni Aki sa tulalang Anton.

"Siyempre naman mahal, kakain ako. Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka na ulit sa tabi ko."

Kung nakamamatay lang ang sama ng tingin, baka patay na 'tong dalawang 'to.

Landian moments.

"Hoy, respeto naman sa nakain. Alam niyo namang wala kaming jowa," sibangot na suway ni Kevin sa dalawa. Tinawanan naman siya ng dalawa. "Sa harap pa talaga namin kayo naglalandian 'no? Ilugar niyo naman kaharutan niyo."

Tama, tama!

"Korni niyo," komento ko naman.

Mas lalong lumakas ang tawa ng dalawa. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain, ganoon din si Kevin. 'Yung dalawa naman panay ang landian.

Hindi na ako magtataka kung bigla na lang mabuntis si Aki.

"Mahal, ako na diyan. Umupo ka na lang sa upuan. Ako nang bahala dito," malambing na sabi ni Anton kay Aki.

Umupo naman si Aki sa upuan at nakipag-kuwentuhan sa amin ni Kevin.

"Maraming maraming salamat, Aice. Dahil sa'yo nagka-ayos kami ni Anton," pasasalamat ni Aki sa akin. "Tatanawin namin itong utang na loob sa'yo."

"Sus, ano ka ba? Wala 'yun. Gusto ko lang ipa-realize sa'yo na 'pag nagmahal ka, hindi maiiwasang masaktan ka. Ganiyan ang pag-ibig, kahit na niloko ka niya, mahal mo pa rin siya."

Ngumiti siya sa sinabi ko. "Salamat talaga, Aice."

Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang lunch. Bumaba kaming lahat at inihatid ni Anton si Aki sa room niya. Samantalang kami ni Kevin ay dumiretso sa room.

Tahimik ang lahat, ibang-iba sa eksenang iniwan namin kanina. Mabigat ang awra at tila ba may tensiyon.

Ibinaba ko ang gamit ko at nagtama ang mata namin ni Deive. Umirap ito sa akin sabay iwas ng tingin.

Binibini ng Daisy:Ang Section D | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon