PRENTE akong nakatayo habang nag-aantay ng sasabihin nila sa iniabot kong papel. Ramdam ko ang pagpigil ng katabi ko sa nagwawala niyang awra dahil siguro pagkagulat niya sa ginawa ko.Baka sa isip niya ay gusto na niya akong sapakin o sipain paalis sa tabi niya. Pwede ring sinusumpa na niya ako o paulit-ulit na pinapatay sa isip niya.
Patuloy pa rin sila sa pagbabasa ng nakasulat sa papel kaya maging ako ay nakaramdam na rin ng kaba sa maaaring mangyari. Biglang ko namang naramdaman ang mahigpit na paghawak ng katabi ko kaya napalinga ako sa kanya.
Binigyan niya ako ng nangiwing pagmumukha kaya naguluhan ako kung naiihi ba siya o may ahas na nasa paa niya.
Agad naman akong napatingin sa paanan niya upang i-check kung may ahas pero wala naman at niyugyog niya ako ng mahina.
"Bakit?" pabulong kong tanong dahil natatakot na ako sa kinikilos niya.
Para siyang batang papaiyak na sa hindi pagbili sa kanya ng sorbetes kaya nilapitan ko siya at mahinang pinitik sa noo.
"Kalma." paalala ko at tuluyan siyang napaluha.
Parang timang itong babaeng ito. Bakit ba naiyak ito? Ayaw kasing magsalita.
Pinunasan ko na lang ang luhang naglalagpakan mula sa mga mata niya gamit ang sarili kong panyo.
Napatikhim naman ang lalaking nasa harapan ko. Nasa 40 anyos pa lang ata siya dahil sa itsura niya.
"Seryoso ka ba rito, ijo?" pagtatanong niya.
"O-opo!" buong lakas kong sagot kahit kinakabahan dahil wala na naman akong magagawa, nasimulan ko na.
"Alliana, anak!" tawag sa kanya ng nanay niyang katabi ng lalaking kausap ko kaya napalingon siya rito. "Sa loob na tayo mag-usap. Tara!" pag-aaya niya sa amin at una silang pumasok ng asawa niya.
Nilingon ko muna si Alliana at nakitang mukhang naka-recover na siya sa nangyari. Napatango siya kaya magkasunod kaming pumasok sa loob ng bahay nila.
Ako nga pala si Jayvion Sage Layra. Isang simpleng tao na may piniling simpleng pamumuhay. Hindi ako sanay sa mararangyang bagay at mamahaling gamit.
Nag-aaral ako sa Cariño Veritas Silangan University bilang isang BS Psychology student. Third year na ko sa kursong iyon at kaunting panahon na lang, graduate na ako.
Nangungupahan ako sa Tita ko kahit na ayaw niya naman talaga akong pagbayarin sa renta. Part time crew sa isang fastfood chain kapag gabi at isang simpleng mag-aaral sa umaga.
Hindi sa pagmamayabang, marunong akong magluto dahil tinuruan ako ng nanay kong magluto pero maaga siyang kinuha sa akin kaya nga nakatira lang ako sa Tita ko. Tungkol naman sa tatay ko, wala na akong pake sa kanya matapos niya kaming iwan.
Hindi ko ugaling magkwento pero ito ang exemption doon, ang kwentong pag-ibig ko.
"Jayvion!" tawag sa akin ni Alliana habang magkatabi kaming nakaupo sa sofa kaharap ang magulang niya.
Siya si Alliana Haven Armari. Hindi siya yung pinapangarap kong babae. Mapayat siya. Morena. Singkit, siguro may lahing intsik. Masipag siya at matalino.
Pero kahit na hindi man siya yung pinangarap ko, siya naman yung naging sagot sa lahat ng dasal ko at ngayon ang kayamanang pinahahalagahan ko higit sa ano pa man.
"Bakit?" naguguluhan kong tanong.
"Ano ba?!" iritable niyang sagot kaya napatingin ako sa mga magulang niya.
"Jayvion?" hindi maalalang tanong ng nanay niya sa pangalan ko kaya napatango na lang ako. "Ikaw 'yung kaklase ng anak ko nung highschool, di ba?" pilit niyang pag-alala sa kung sino ba ako.
BINABASA MO ANG
In A Relationship Contract
RomanceA boy and a girl. A very cliché and over used plot and storyline. A boy fall in love with a girl. The girl responded on his love. Just the simple one. The only thing that differs is a contract so read it to know their story.