ILANG oras na akong naghihintay sa pagtunog ng bell para ma-dismiss na kami ni Ma'am pero mukhang matatagalan pa siya sa pagsasalita sa unahan."Mr. Layra!" narinig kong tinawag niya ang pangalan ko kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo ko.
"Yes, Ma'am?" biglaan naman itong si Ma'am magtawag. Hindi nga ako nakikinig sa mga pinagsasabi niya.
"Read paragraph 12 at your textbook and answer the first question." utos niya kaya hinigit ko sa katabi ko ang textbook niya saka ginawa yung pinapasabi niya.
"The man isn't sick. He's just pretending to solicit money on those townsmen." sagot ko kahit hindi ko pa naman nababasa ng buo yung paragraph.
"Very good! I thought you're not listening at my class." hindi naman talaga ee. "You can take your seat." kaya umupo na ako at bored na tumingin sa harapan.
Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell, hudyat na tapos na rin sa wakas ang boring na klase ni Ma'am. Kanya-kanya kaming tayo at imis ng lugar namin bago lumabas ng classroom. May sinabi pang kung ano-ano si Ma'am pero alam kong walang ni isa sa amin ang nagbalak na pakinggan yun.
The hallway is still that noisy and crowded. Different gossips and conversation along the way. Hindi naman talaga mababago yung ganitong eksena sa school. Mga estudyanteng tulad ko na nagpapagala-gala sa university pagtapos ng klase.
"Hey, pre!" naramdaman kong inakbayan ako ng isang tao at may isang tumapik sa balikat ko. "Sama ka mamaya? Sa gym, three on three daw." sambit niya pero hindi ko siya sinagot.
"Ito na naman tayo!" sambit naman nung isa kaya nilingon ko siya.
Magkasing tangkad lang kami nitong lalaking ito. Makapal ang kilay niya at bilugan ang mga mata. Kung may masasabing maganda sa kanya, himala ang tawag doon.
Ramdam sa aura niya ang pagiging basagulero samahan pa ng piercing niya sa tainga at dila. Hindi dapat ganyan ang itsura ng isang estudyante pero ganyan ang pinili niya. Hindi rin siya mapagbawalan dahil sa lakas ng kapit niya sa mga nakakataas sa university.
Yohan Bellandrez, ang umaastang gangster ng university.
"Bakit na naman?" tanong ko.
"Marunong ka namang magbasketball. Siguro nga pwede kang maging varsity ng school. Pero bakit ayaw ipakita yung tunay mong angas?" sagot niya na mukhang pinupuri ako.
Tsk. Not effective on me.
"Oo nga naman!" sulsol naman nung isa. "Sila Bryan lang naman yung kalaban. Yung tropahan ng mga varsity sa Business Department." dagdag niya.
Ito namang isa parang bakla makipag-usap. May height din naman siya pero mas matangkad kami ni Yohan. Masasabing babaero siya dahil na rin sa itsura niya. Matangos ang ilong, maputi, pamatay yung ngiti at yung mga titig niyang nakakagayuma.
Hervy Dela Rosa, ang tirador ng wanpayb.
"May gagawin ako," sagot ko at lumiko papuntang cafeteria.
"Lagi ka na lang may gagawin, eh!" sambit ni Yohan na parang nanghihinayang.
"Bakit ba kasi ako?!"
"Kasi ikaw yung pambato ng Psychology sa basketball." sagot ni Hervy.
Ako ba? Marami namang magagaling dyan at saka wala na akong klase mamaya. Gusto ko ng umuwi ng maaga.
"Ayoko." sagot ko at pumila sa mga bumibili.
"Korni mo naman!" pangongonsensya ni Hervy. "Sige, kalimutan na, ha!" parang ako pa napasama ngayon.
"Anong oras?"
BINABASA MO ANG
In A Relationship Contract
Storie d'amoreA boy and a girl. A very cliché and over used plot and storyline. A boy fall in love with a girl. The girl responded on his love. Just the simple one. The only thing that differs is a contract so read it to know their story.