Chapter 9

15 3 0
                                    


THE night is windy and sound. All of the students wearing their formal attire are continuously entering the gate for the night ball.

Kanina pa nagsimula ang program at maingay na sa loob. Nasa labas ako kasama si Yohan na nakasuot ng black coat niya at nagmukhang tao but still wearing his ear piercing not the tongue.

"Na-chat mo na ba si Veron?"

"Nope. Wala nga sa akin yung cellphone ko!"

Naiwan ko kina Alliana 'yung phone kanina nung dumaan ako at nagpaalam ng personal sa kanya.

"Timang ka naman, eh!" naiinip niyang komento.

"Dumating na?" tanong ng bagong dating na si Hervy na nakasuot ng black tie at may suot na mask.

"Hindi pa!"

"Oh! Bakit ka galit, Yohan?"

Hindi ko na lang pinansin ang pagtatalo ng dalawa at tinanaw ang isang puting kotseng papalapit.

"Ayan na!" napatingin silang dalawa sa kotse kung saan bumaba ang isang babaeng nakakulay indigo na chiffon cocktail dress at silver mask.

"Putek! Dyosa ba 'yan?"

"Ang swerte mo, Jayvion."

"Si Versailles lang 'yan." sagot ko at sinundo siya.

"What took you long?" tinanggal niya ang ang mask niya.

"Traffic jam." sagot niya at inalok na siyang pumasok sa loob ng event.

All eyes looked at us especially to Versailles.

"Ang ganda talaga ni Veron."

"She's like a goddess."

"Siya ang magiging queen of the night."

Iba't ibang papuri ang natatanggap niya kaya kita ko ang matatamis niyang ngiti. Pumwesto kami sa table nila Yohan.

"Hi, lovers.ll" bungad ni Yohan.

"Bagay kayo." komento ng partner ni Hervy.

Napailing na lang ako bago napatungo at kinapa ang bulsa ko. Napangiwi na lang ako ng mapagtantong wala nga pala akong dalang cellphone.

"Why?" tanong ni Versailles.

"Nothing." pinokus ko na lang ang sarili ko sa stage kung saan may umakyat na lalaki.

"Good evening, ladies and gentlemen. As we continue the program, I would like to invite those partners in the center for the sweet dance while wearing their mask as they dance in the night." anunsyo niya at nagsimula na ang pagtugtog ng sweet music maging ang isa isang paglapit ng mga magkakapareha sa gitna.

We're the king and queen of hearts~ hold me when the music starts~

"Let's dance too, Jayvion." tumayo si Versailles at inaya ako. Sinuot na rin niya ang mask niya.

I just stand and walked with her in the crowd. I wear my blue mask too.

All my dreams come true~ when I dance with you~

Pumwesto kami sa gitna at inilagay ang dalawang kamay niya ng magkakrus sa leeg ko. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba ang baywang niya o hindi.

"Hold my waist." kaya wala akong nagawa at hinawakan iyon. "Hold tighter at baka mawala ako." sambit niya kaya mas hinapit ko siya papalapit sa akin.

Halos magdikit na ang katawan namin pero hindi ko hinahayaan mangyari 'yun.

Promise me you're mine tonight~ I've been waitin' lyin' tonight~ while the lights are right~ I'll never let you go~

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon