Chapter 16

13 2 0
                                    


NAPAKILALA ko na si Alliana kay Tita Mildred bago siya umalis para magtrabaho. Ngayon, naiwan kaming tatlo nina Prince at Alliana sa tapat ng lamesa. Napatingin ako kay Alliana at napangiti siya sa akin.

Hanggang ngayon, I can't still believe na sinagot na ako ni Alliana. Para akong nasa ulap simula nang binanggit niyang boyfriend niya ako.

"Ate Alli, boyfriend mo na ba talaga si Kuya Sage?" pagtatanong ni Prince kaya napasama ako ng tingin sa kanya.

Tinawanan naman siya ni Alliana bago tanguan. Napatingin tuloy sa akin si Prince na parang may hinahanap sa mukha ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko bago iginalaw ang ulo ko. Tinapik ko naman ang kamay niya.

"Bakit ba?!" naiinis kong tanong sa kanya bago siya napatawa ng maloko.

"Wala. Hinahanap ko lang kung anong nagustuhan sa 'yo ni Ate Alliana." sinamaan ko siya ng tingin maging si Alliana na tumawa na rin.

"Bakit gan'yan ka makatingin?!" pagtataray ni Alliana kaya napangiti ako sa kanya.

Akala mo namang may laban ako sa kanya kapag nagtataray siya sa akin. Syempre, dapat you know how to handle woman's attitude, hindi yung sasabayan mo.

"Aalis na nga ako, para akong thirdwheel dito." sambit ni Prince at napatayo kaya napatawa si Allliana

"Okay. Ingat, Prince!" at lumabas na si prince ng bahay kaya naiwan kaming dalawa ni Alliana.

"Para siyang si Clyde."

"Yung kapatid mo?" napatango siya at napatingin sa akin.

Nagkatitigan kami at hindi ko iniiwas ang tingin ko. Ilang sandali pa ay napakunot ang noo niya pero tinignan ko pa rin siya. Nakita kong pinaningkitan na niya ako ng mata pero hindi ko pa rin tinatanggal ang titig ko sa kanya.

"Bakit ba?!" naiirita niyang tanong.

"I love staring at you. Ang ganda mo kasi." nakita kong namula siya sa sinabi ko bago napasiring.

"Tigilan mo ako!"

"You're gorgeous."

"Sira!"

"You're resplendent."

Naguguluhan siyang napatingin sa akin. "What's that?"

"Bewitching." napatango siya bago napangiti.

"Stop doing that!" saway niya.

"You're cute."

"Tama na!"

"Tama naman, ah! Ang cute mo talaga," nakangiti kong sambit at nakita kong napasiring lang siya.

"Stop complimenting me. Alam kong iniisip mo,"

"You're astonishing."

Nakita kong mas lalo siyang namula kaya napatayo siya at napatalikod para siguro itago ang pamumula niya. Tumayo ako at niyakap siya patalikod.

Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko. Ipinatong ko sa balikat niya ang ulo ko bago ito amuyin.

"A-anong ginagawa mo?" tanong niya pero niyakap ko lang siya.

Ilang sandaling katahimikan ang namayani bago ako kumalas at iharap siya sa akin. Napangiti ako sa reaksyon niya.

Ngayon, malinaw ang lahat. Naramdaman ko ng hindi nga panaginip ang lahat at hindi ito isang imahinasyon ko.

I can see her clearly. I can hear her voice. I can smell her fragrance. I can feel her, all of her. Totoo nga na girlfriend ko na siya.

"Are you hungry?" pinitik ko ang noo niya kaya napahawak siya dito.

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon