Umupo kami sa isang table kung saan nakapwesto ang iba naming kaklase. Inilapit ko ang upuan sa akin ni Alliana para hindi siya mailang sa mga naririto. Inilibot ko ang paningin ko at nakita si Versailles with her outstanding red dress. Papalapit siya sa table namin."Hi, Guys!" bati niya at napalingon sa direksyon namin.
"Ang ganda mo talaga, Veron!" komento ng ilang nasa table.
"Jayvion!" napatingin kami parehas ni Alliana sa kanya at napatayo.
"Happy birthday!" nakangiting bati ni Alliana.
"Glad you came. Thanks!" sagot ni Versailles. "You must be, Alliana." napatango na lang si Alliana sa kanya.
"Gusto sanang mag-sorry sa'yo." sambit ni Alliana na ikinagulat ni Versailles.
"No! No! Ako dapat ang humingi ng apology. Sorry." sagot niya.
"Hindi. Ayos na sa akin 'yun." sagot ni Alliana at nginitian siya.
"Can we be friends?" tanong ni Versailles kaya napatango na lang si Alliana bago nakipagkamay. "Wait! Ang init mo, ah!" komento niya.
"She's hot?" singit ni Yohan. "I'm gonna get her medicine." dagdag niya at akmang tatayo ng pigilan siya ni Alliana.
"Naku! Hindi na, wala naman akong sakit. Mainit lang kasi ngayon. Thanks for the concern." sambit niya kaya napaupo na lang ulit si Yohan at napatango na lang si Versailles.
"Okay, just enjoy the party. Magsisimula na siya." paalala niya kaya napaupo na lang ulit kami ni Alliana at nagpaalam na siya sa amin bago magtungo sa loob ng bahay nila.
"Are you sure that you're okay?" tanong ko at napatango na lang siya bago sumandal sa akin.
Maya-maya pa ay may spotlight na tumapat sa pintuan nila Versailles. Napatingin kaming lahat doon at hinihintay ang paglabas niya kasama ang magulang niya.
"Let's welcome our birthday celebrant, Ms. Versailles Honoria together with his father Florence Honoria." anunsyo ng emcee kaya napatayo kami habang nakatingin sa lalabasan nila.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Versailles kasama ang tatay niya. Napapalakpak kami ng makita sila pero marahan akong napatigil ng makita siya.
Nang mag-upuan ang mga tao ay umupo na rin kami ni Alliana. Patingin-tingin siya sa akin kaya alam kong alam niya na may problema ako. Napansin siguro ako ni Alliana kaya napatanong siya.
"Bakit, Jayvion?" may pag-aalalang tanong niya.
"Can I ask a favor, lady?" napatango siya. "Can we go home now?" nakita kong nagtaka siya kaya napangiti na lang ako at hinalikan siya sa noo. "Let's go!" inaya ko siya paalis ng lugar na 'yun.
Nang nasa labas na kami ay binawi niya ang kamay niya kaya napalingon ako sa kanya.
"Anong problema?" usisa niya pero nginitian ko na lang siya.
Nakita kong napasunod sina Yohan at Hervy.
"What's the problem, bro?" tanong ni Yohan kaya napasinghap ako ng hangin bago napasipa sa kawalan.
"That man! That fucking man on the stage!" nagpipigil ako sa galit.
"Anong meron sa tatay ni Veron?" takhang tanong ni Yohan.
Siguro nasa 50 years old na siya. May mga puting hibla na rin ng buhok niya. Kahit na kulubot na ang mukha niya o tumanda na rin siya ay kilalang kilala ko pa rin siya.
His eyes, his nose, his ears and every part of his face ay nakatatak na sa utak ko.
All of those years that passed, ngayon ko siya makikita. Ang tagal ko siyang hinanap pero naririto lang pala siya. Matagal na rin pero hindi ko nakalimutan ang itsura niya.
BINABASA MO ANG
In A Relationship Contract
RomanceA boy and a girl. A very cliché and over used plot and storyline. A boy fall in love with a girl. The girl responded on his love. Just the simple one. The only thing that differs is a contract so read it to know their story.