MATAPOS kong maglinis ng bahay ay pumunta ako sa labas para maglaba ng ilang damit. Sabado kasi ngayon at wala akong pasok tapos mamayang hapon pa duty ko sa trabaho ko kaya kailangan ko munang gawin ang mga trabaho ko sa bahay."Sage, mamaya na yan!" saway sa akin ni Tita Mildred, kapatid ng nanay ko.
She looks young but she's already in mid 30s of her age. Madalas siyang nasa trabaho niya sa Maynila kaya ako ang naiiwan sa bahay. May anak din siya kaso sampung taong gulang pa lang kaya hindi ko masyadong nauutusan sa gawaing bahay.
'Yung asawa niya, wala. As in wala siyang asawa, single mother lang siya kaya todo kayod siya para sa anak niya.
"Saglit lang po ito." pero kakasimula ko pa lang sabunin ang mga damit.
"Prince, kumain ka na ng tanghalian dyan!" sambit niya sa anak niyang kararating pa lang galing sa galaan. "Ikaw rin, Sage!" dahil gutom na rin naman ako ay napagpasyahan ko na ring magtanghalian muna.
Umupo ako sa tapat ng hapag at sumandok ng kanin. Napansin ko si Tita na nakabihis at mukhang papasok na sa trabaho niya.
"Aalis ka na, Tita?"
"Oo para hindi ako abutin ng trapik." sagot niya. "Oh! Prince, magpakabait ka sa Kuya Sage mo. At Sage..." baling niya lsa akin. "Ikaw na ang bahala sa bahay." kaya napatango na lang ako at nagpaalam na siya.
Nang makaalis siya ay pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.
"Kuya, may gagawin ka pa?"
"Maglalaba pagtapos kong kumain."
"Ako na lang maglalaba, wala naman pa naman akong ginagawa, eh!"
Nakakabigla naman yung sinabi niya kaya ilang beses muna akong napakurap at hinihintay ang pagbawi niya sa sinabi niya pero hindi niya ginawa. Napasang-ayon na lang ako dahil baka may nagbulong lang sa kanyang kung ano para maging mabuting bata ngayon.
Matapos niyang kumain ay dumiretso siya sa labas at naglaba nga. Kita ko kung paano niya banlawan ang ilang damit na nasabunan ko na.
"Ako na nga d'yan!"
"Huwag na Kuya Sage. Ako ng bahala dito." pagmamayabang niya pero nahihirapan naman siyang pigain ang mga malalaking damit.
"Ang sipag mo naman. Anong nakain mo?" napatingin ako sa batang babaeng nasa tabi ni Prince.
"Ikaw!" biglang sagot ni Prince bago tumawa.
"Bwiset!"
Napatawa na lang din ako dahil sa sinabi ni Prince. Bata pa lang, malandi na.
"Tulungan mo na lang akong maglaba para kapag nagkapamilya tayo, ikaw na maglalaba, Tina." sambit niya at binalingan ako ng tingin bago ngumiti.
Napailing na lang ako. "Bahala ka na dyan, Prince. Tulog muna ako." paalam ko.
Pumasok ako sa loob ng bahay ay humiga sa sofa na malapit sa pintuan para matulog muna nang hindi ako antukin mamaya sa trabaho. Si Ate Claire na naman ang bahala mamaya sa bahay. Siya yung pinsang kong nakikitira rin kay Tita dahil malapit dito ng pinagtatrabahuhan niya.
Nilamon agad ako ng antok dahil sa dami ng ginawa kong gawaing bahay.
Bigla akong naalimpungatan ng pag-uusap sa labas.
"Dito ba nakatira si Layra?"
"Opo, ako po 'yun!"
"Ay! Hahahaha! I mean Jayvion Sage Layra."
"Ahh! Si Kuya Sage pala. Nasa loob po, tulog."
"Ahh! Ganoon ba?"
"Pero pwede pong gisingin yun. Hindi naman nagagalit yun kapag nagigising."
BINABASA MO ANG
In A Relationship Contract
RomanceA boy and a girl. A very cliché and over used plot and storyline. A boy fall in love with a girl. The girl responded on his love. Just the simple one. The only thing that differs is a contract so read it to know their story.