Chapter 4

12 2 0
                                    


AGAD kong binasa ang message ni Jayvion sa akin paglitaw nito sa messenger ko. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria para sa lunchbreak at kasama ko si Joan. Napangiti ako matapos i-send ang reply ko.

"Hoy! Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan?" usisa ni Joan.

"Wala ka na doon." nagpatuloy lang ako sa pagtitipa ng message ko.

"Si Jayvion na naman yan, no?" napatigil ako sa pagtitipa at napatingin sa kanya. "Oh! Di ba?" malokong sambit niya.

"Hindi, no!" pagtanggi ko at napairap siya.

"Huwag mo na akong lokohin. Noong nalaman ko pa lang na pumunta sa inyo si Jayvion, I smell something fishy." turan niya kaya napalunok ako ng laway. "Kaya huwag ka ng magmaang-maangan dyan."

Napasimangot na lang ako at tinuloy ang pagtitipa. Kinuha ko ang pagkain ko at sinimulang kumain.

"Kayo na ba?" tanong ni Joan kaya nalunok ko agad ang sinubo ko.

Uminom ako ng tubig bago napabuga ng hangin. Muntik na akong mabulunan doon.

"Hindi, no!"

"Ahh! Nanliligaw pa lang." sambit niya kaya siningkitan ko siya ng mata. "Tanda ko pa nung highschool tayo." pagaalala niya sa nakaraan.

"Ano 'yun?!" pagtataray ko at nagtipa ulit ng message para kay Jayvion.

"Ahh! Nevermind." sagot niya at kumain ng pagkain niya.

Parang tanga naman itong babaing ito, oh? Nako-curious tuloy ako.

"Ano nga 'yun?!" pagpupumilit niya kaya maloko siyang ngumiti.

"Asus! Big birds are now mating." napataas ako ng kilay sa sinabi niya.

Tsk. Weird.

"Silang tatlo nina Adrian at Juls yung nagkagusto sa'yo, di ba?" kwento niya. "Naalala ko pa yung ginawang kalokohan ni Jayvion noon." natatawa niyang sambit.

"Ano doon?" marami kasing kalokohang ginawa itong si Jayvion.

"Noong tumayo siya sa table sa harap ng classroom tapos bigla siyang nagsalita— hahahaha! Laptrip talaga yun," masayang kwento ni Joan at nagbalik sa akin ang alaala ng nakaraan.

Tahimik kaming naghihintay ng susunod naming subject teacher noon nang biglang pumunta sa harapan si Jayvion at tinignan kami bago ngumiti. Kapag nakikita namin yung ganung ngiti niya na nakakaloko ay may gagawin siyang kalokohan.

Hindi nga kami nagkamali dahil bigla siyang tumayo sa table at tumalon talon. Lahat kami ay nagulat sa ginawa niya. "Listen, everyone!" pagkuha niya sa atensyon namin.

"Bumababa ka diyan, Layra! Baka dumating si Ma'am!" pagalit ng President namin sa kaya pero parang wala siyang naririnig.

"I would just like to make a confession to the most beautiful girl in this class." sambit niya kaya narinig ko ang kantiyaw ng mga kaklase ko dahil kahit hindi naman niya direktang sinabi ay ako ang pinatutungkulan niya.

"Sino ba kasi 'yan?" tanong ng isa kong kaklase kaya napangiti si Jayvion.

"Alam niyo kasi gustong gusto ko siya. Promise walang halong biro. Gustong gusto kita, Alliana." lumakas ang hiyawan sa loob ng classroom kaya napatungo na lang ako at inisip kung paano ko papatayin si Jayvion.

"Takte! Kinikilig ako!"

"Ang tapang naman pala ni Papa Jayvion!"

"Teka! Hindi ako ang may sabi niyon!" biglang tumahimik ang classroom at naguluhan. "Hindi niyo ba alam na mayroon pang ibang may gusto kay Alliana? Hindi ko na sasabihin na ang pangalan niya ay July Seraphim Montoya." sambit niya kaya lahat ng mata ay napatingin kay Juls.

Hindi ako makapaniwala dahil akala ko kaibigan lang ang turing niya sa akin.

"Totoo yun, Juls?"

"Talaga?"

"Sige, itanggi mo!" nakangiting sambit ni Jayvion kaya naghiyawan na naman ang mga kaklase ko.

Bwisit! Hindi na ako natutuwa sa ginagawa niya.

"Love triangle ang peg!"

"Sinong magwawagi sa puso ni Alliana?!"

"Hep! Hep! Hep! Baka may mainggit. Adrian Cervacio, iaamin na rin kita. Alliana, gusto kita, sabi niya." turo niya kay Adrian.

Sandaling tumahimik ang kapaligiran bago sila magwala. Maging ako ay hindi makapaniwala sa nalaman ko o sadyang gumagawa lang ng eksena si Jayvion.

"Takte! Hindi ko kaya ang happenings!"

"Love square na ba this?!"

"Ang haba ng hair mo, Alliana!"

"Pengeng isa!"

Siniringan ko si Jayvion pero kinindatan niya lang ako at saka ko na lang ipinikit ang mga mata ko.

"Ako na yung umamin sa inyong dalawa. Ang hihina niyo kasi, eh!" may halong pagmamayabang niyang sinabi. "Ngayon ako naman..." sandaling tumahimik ang classroom.

"Pati ako kinakabahan,"

"Ako yung kinikilig, eh!"

"Gusto ka niya tapos gusto ka rin niya. Ako? Hindi kita nagustuhan kahit kailan kasi unang kita ko pa lang sa'yo, Alliana, minahal na kita agad." at umingay ang mga kaklase ko. "I must say, He likes you and he likes you too. But I. Love. You." may diin sa huling tatlong salita.

Mas lalong umingay ang paligid dahil doon. Sinamaan ko ng tingin si Jayvion pero nginitian niya lang ako.

"Mr. Layra, anong ginagawa mo d'yan?" biglang tanong ng bagong dating naming guro kaya lahat kami'y napatingin sa pinto sa harapan.

Bumaba si Jayvion sa lamesa at saka iyon inayos. "Nag-aagiw lang po." palusot niya kaya nagtawanan lahat ng kaklase ko.

"Hahahaha! Sabi sa'yo laptrip yung panahon na yun," natatawang sambit ni Joan kaya napatawa na lang din ako bago matigil sa pag-aalala sa bagay na iyon.

Tinignan ko ang message ko kay Jayvion at naka-seen lang ako. Nabura ang ngiti ko kaya nagmessage ulit ako. Agad naman niya akong sineen kaya mukhang busy lang siya at naiwang nakabukas ang convo namin.

"Balik na ako sa room." niligpit ko ang gamit ko bago tumayo para umalis sa cafeteria.

"Sandali! Hindi ka pa tapos kumain at maaga pa." sambit ni Joan pero nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Nang makarating ako sa room ay agad kong binuksan ang cellphone ko at hindi nga ako nagkamaling nagmessage nga siya kaya tinigan ko ito.

"Sorryyyy T^T." basa ko sa message niya kaya napangiti ako sa kawalan.

Umupo ako sa upuan ko at binuksan ang fb ko para magbasa na lang. Hindi ko na rin ni-replyan si Jayvion dahil parusa niya 'yun. Habang nag-iiscroll ako ng newsfeed at naghahanap ng mababasang kung ano ay narinig kong may kung anong tumunog sa may pintuan kaya napatingin ako rito. Nakita ko ang humahangos niyang postura at naghahabol niyang hininga.

"Sabi... hindi... ka raw... kumain ng... tanghalian." hinahapo niyang bigkas.

"Teka— Paanong..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Just... checking..." patuloy siya sa paghabol mg hininga niya.

Hindi na ulit ako nakapagsalita dahil naguguluhan ako kung bakit siya naririto. Ang pagkakaalam ko busy siya kaya anong ginagawa niya rito?

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon