Chapter 31

14 2 0
                                    


NAKAKALUNGKOT ang nangyari kay Alliana dahil dalawang kapamilya niya ang naospital. Buti na lang at maayos na ang kalagayan ni Tito at Clyde.

"Ms. Castillo." natigil ako sa pag-iisip ng marinig kong tinawag ako ni Ma'am kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi pa rin ba napasok si Ms. Armari?" tanong niya kaya napatango ako.

"Binabantayan pa po 'yung kapatid niyang naospital." sagot ko na mukhang nakumbinsi si Ma'am.

Tatlong araw na rin kasi siyang hindi pumapasok simula noong nangyari ang aksidente at pagkakaospital ng kapatid niya. Nagklase na lang si Ma'am kaya nakinig na ako.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ni Juls. Lunchbreak na kasi. Pero parang ang lungkot ng lamesa namin. Tahimik at parang hindi kumpleto ang lamesang ito.

"Hindi ka pa kakain?" tanong ni Juls kaya napatingin ako sa kanya.

"Parang ang lungkot naman ngayon." komento ko kaya napatigil siya sa pagkain.

"Oo nga. Parang dati, apat pa tayong sabay-sabay na nakain." sagot niya kaya napabuntong hininga ako.

"Oo nga. Nakaka-miss." sambit ko.

"Bisitahin kaya natin si Alliana." suhestyon ni Juls kaya siniringan ko siya.

"Kakabisita lang natin noong sinugod yung kapatid niya." sagot ko. "Bukas na lang ulit, may gagawin ako ngayon." sambit ko at sinimulan na ang pagkain.

Nagpatuloy kami sa pagkain ng tahimik. Nakaka-miss 'yung dati na puro kami kwento bago kumain. 'Yung magtatawanan kami dahil sa kwento ni Adrian at Juls. 'Yung kulitan namin habang nakain.

Maingay pero masaya ang hapag kapag kumpleto kami pero ngayon iba na. Natapos kaming kumain at mahaba pa ang oras na natitira.

"Hays! Boring!" bigkas ni Juls kaya napasang-ayon na lang ako.

"Sinabi mo pa!" sagot ko at napatingin sa cellphone ko.

Naisip ko tuloy kung anong ginagawa ng dalawa kong kaibigan. Napatungo ako sa lamesa ng maalala ang nangyari kay Adrian.

Hindi ko siya nakilala noong ginawa niya 'yun. Hindi ko naintindihan kung bakit umabot pa sa puntong 'yon. Kung hindi siguro dumating si Jayvion noon, malamang may nagawa na siyang masama kay Alliana. Nalaman naming naospital siya pero pinagbawalan kaming bisitahin siya.

"Kamusta na kaya si Adrian?" biglang tanong ni Juls kaya napatingin ako sa kanya.

"Ewan ko sa siraulong 'yun!" naiinis kong sagot.

"Galit ka pa rin sa kanya?" tanong niya kaya inirapan ko siya.

"Ewan ko." sagot ko.

Hindi ko talaga alam kung galit pa ba ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Alliana. Pero parang hindi na kasi mismong si Alliana nga ay napatawad agad siya kaya sino ba ako para magalit pa sa kanya.

"Muntik na siyang mapatalsik sa varsity, di ba?" kwento niya kaya napatango ako.

Matapos ang ginawa niya ay naging malaking usapin yun sa buong campus at inisip ng university na i-expell siya pero pinigilan ni Alliana kaya nasuspend na lang siya ng isang buwan.

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon