Chapter 19

13 2 0
                                    


WALANG pasok ngayon at nakatengga lang ako sa bahay. Puro hilata at cellphone lang ang ginagawa ko ngayon.

Medyo nabobored na rin ako sa pagi-scroll ng newsfeed ko kaya napagpasyahan kong i-chat si Jayvion kaso active one hour ago pa siya.

Nag-iwan na lang ako ng mensaheng i-chat ako pag-online niya bago bumalik sa newsfeed. Nasa kalagitnaan ako ng pagi-scroll ng makita ko ang shinare na post ni Joan. Namangha na lang ako sa lugar.

"Ang ganda naman diyan!" komento ko at wala pang ilang segundo ay nagreply na siya.

"Oo, sis! Arat! Punta tayo kapag bakasyon na!" basa ko napangiti na lang.

"Kapag may pera HAHAHAHA." tipa ko bago i-reply.

Napatawa naman siya sa sinabi ko. Shinare ko rin ang post at nilagyan ng caption na — Sana all! Makakapunta — bago ako napangiti at ilapag sa kama ang phone ko.

Lumabas ako para tignan kung anong pagbabagong nagaganap sa loob ng bahay pero nadatnan ko lang si Clyde na nagsusulat sa may salas kaya nilapitan ko siya.

"Nasaan si Mama, Clyde?"

"Na kina Tita." sagot niya at hindi man lang ako nagawang tapunan ng tingin dahil siguro sa pagkaabala niya sa ginagawa niya.

Na-curious tuloy ako sa sinusulat niya kaya umupo ako sa sofa bago tumingin sa isinusulat niya. Nawindang ako sa mga salitang nakita ko.

"Ang aking ina ay dakila. Naglilinis siya ng bahay sa umaga. Nagtatrabaho siya kapag gabi. Minsan ipinagtitimpla niya ako ng kape. Lagi niya kaming pinagluluto ni Ate. Lagi rin—" natigil ako sa pagbabasa ng takpan niya ang papel.

"Ateee! Huwag mong basahin!" sigaw niya kaya napaayos ako ng upo.

"Ano ba kasi yan?" naguguluhan kong tanong kaya napatigil siya sa pagsusulat at napaupo sa sofa.

"Assignment namin sa school. Gagawa raw ng tula para sa nanay at tatay." paliwanag niya.

"Magkahiwalay na tula?" napatango siya ng sabihin ko 'yun kaya hiniram ko sa kanya ang sinusulat niya.

Sa una ay ayaw niyang ibigay pero iniabot niya pa rin kasi siniringan ko siya. Hindi ko mapigilan ang tawa ko ng mabasa ko ang sinusulat niya.

"Bakit ka natatawa, Ate? Akin na nga 'yan!" sambit niya at kinuha sa akin ang papel.

"Clyde, ano ba yang ginawa mo?" natatawa kong sambit kaya sinimangutan niya ako.

"Hindi naman ako marunong gumawa ng tula, eh!" reklamo niya kaya napahinto ako sa pagtawa.

"Alam ko na! May kilala akong makakatulong sa'yo." sagot ko at pumunta sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko.

Tinignan ko ang convo namin ni Jayvion at napansin ang green dot sa picture niya tanda na online na siya kaya minessage ko siya. Pumunta ako sa salas at nakita si Clyde na mukhang nai-stress na sa ginagawa niya. Ilang sandali pa at nagreply na si Jayvion.

"Okay. Maghahalf day na rin naman ako kaya pupunta na lang ako d'yan." nasa trabaho nga pala siya ngayon at mukhang naistorbo ko pa.

"Ayos lang kahit huwag na." reply ko.

"Nagpaalam na ako kaya okay na." reply niya kaya napangiti ako.

"Sige ingat." mensahe ko sa kanya.

Tinignan ko si Clyde bago kunin ang atensyon niya kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit?" tanong niya.

"Huwag mo ng pagkaisipin 'yan. Your Kuya Jayvion will help you." turan ko kaya napangiti siya.

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon