Chapter 5

12 2 0
                                    


PUMUNTA ako sa gym gaya ng napag-usapan namin kanina ni Yohan. At nandoon nga silang dalawa at nakabihis na ng panlaro. Nilibot ko naman ang paningin ko sa loob ng gym at napansin kakaunting tao lang ang naririto. Mga nakatambay ang ilan samantalang ay iba ay may kung anong pinapraktis.

"Jayvion! Dito!" tawag ni Hervy kaya lumapit ako sa pwesto nila.

Ibinaba ko ang bag ko sa steel bench saka umupo. Lumapit naman sa akin si Yohan at may iniabot na sapatos kaya kinuha ko yun. Tinanggal ko na ang polo ko bago naghubad ng black shoes at slacks.

Buti na lang at may doble akong shorts. Isinuot ko ang ibinigay niyang sapatos bago tumayo. Nagunat-unat muna ako ng katawan at kasukasuhan. Habang ginagawa ko yun ay napansin ko ang nagpasukang varsity players sa gym.

"Ayan na sila!" masayang sambit ni Hervy.

Tumungo sa kabilang steel bench ang mga varsity players at inilapag ang gamit nila. Lumapit sa amin si Bryan kasama ang dalawa niyang teammates na mga nakasuot ng green and maroon jersey.

"Bryan!"

"Yow, Yohan!"

Nagkamayan silang dalawa saka nagyakapan. Magkasundo pala ang dalawang ito. Napunta sa akin ang tingin ni Bryan at saka lumapit.

"You must be, Jayvion... Jayvion Sage Layra of BS Psychology." sambit niya kaya napatango na lang ako. "I'm Bryan Umali from BSBA course and the team captain of CVSU Hornets." don't mention it, I know you.

Inilahad niya ang palad niya kaya nakipagkamay na lang ako at nakipagtitigan sa kanya. Mas matangkad siya sa akin ng ilang centimeters at malalim ang mata. Like the normal varsities, he has a built body and strong posture. He has looks but what makes him astound from other player is his fearless stares.

"Nice meeting you." sambit ko at unang bumitaw.

"By the way, this is Mark Precilla." turo niya sa lalaking patpatin ngunit maayos ang tindig. "And this is Renz Leroy." turo naman niya sa lalaking maliit ngunit maayos ang pangagatawan.

"Simulan na natin!" excited na siguro si Yohan na makahawak ng bola

"Not so fast, Yohan." sagot ni Bryan. "Okay, race to twelve lang muna tayo. May practice pa kami, eh!" dagdag niya kaya napatango si Yohan.

"Hervy, sa'yo na 'yung patpating matangkad."

"Bakit akin?"

"Kaya mo na 'yun. Jayvion sayo 'yung isa tapos sa akin si Bryan."

Napatingin ako sa tatlong kalaban namin at saka napabuga ng hangin dala ng pagka-bored at pagiisip kung bakit nga pala ako pumayag na maglaro.

Nagsimula ang laro at nasa kalaban ang bola. Sinusubukan kong ilayo si Renz sa ring sa pagbabantay sa kanya at paunti-unting pagtutulak palabas ng three point line pero malikot siyang maglaro na animo'y may langgam sa loob ng shirt niya.

"Renz!"

Nakita kong ipinasa sa kanya ang bola kaya mas pinaigting ko ang pagbabantay. He has dribbling and footwork, ang masasabi ko lang ay sumobra siya sa galaw at likot kaya ibinaba ko na lang kamay ko na animo'y may ka-holding hands.

Nagpatuloy siya sa pagkaldag at pagbangga sa akin gamit ang balikat niya. I should say foul pero hindi na dahil baka ganyan lang siya maglaro then bigla niya akong hinawi kaya nakalusot siya. Napailing na lang ako ng nagpatuloy siya sa pagsho-shoot ng bola at sila ang naunang nakapuntos.

Nagpatuloy ang laro ng ganoon ang kilos niya. Maglilikot tapos hahawiin ako kaya yung puting t-shirt ko puro bakat na ng kamay niya. Nagpa-time out si Yohan dahil halatang napapagod na siya.

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon