Chapter 14

14 3 0
                                    


NAKATUNGO ako sa harap ng kainan ni Aling Deng habang katabi ko si Khali. Kakatapos lang naming maglaro ng basketball sa may court malapit dito kaya nagpahinga muna kami saglit.

"Aling Deng, may sinigang kayo?" tanong ni Khali na walang tigil sa pagkain. "Hindi ka kakain, Jayvion?" tanong niya pero umiling na lang ako. "Malungkot ka pa rin?"

"No." hindi na ako malungkot.

Kalmado na ako at nag-iisip na lang kung paano ba ako hihingi ng tawad kay Alliana.

Naramdaman ko na lang biglang may humampas sa ulo ko kaya napaayos ako ng upo at hinawakan ang ulo ko. Nakita ko si Aling Deng na may hawak ng panaboy ng langaw.

"Aling Deng naman!" reklamo ko habang kinakamot ang ulo ko.

"Bakit?!" pang-aasar niya kaya napasimangot ako.

"Aling Deng, magkano lahat?" rinig kong tanong ni Khali kaya tinignan ko siya.

Nakita ko siyang tapos ng kumain at ang daming mangkok na nasa harap niya tapos nakahubad pa.

"Hoy! Bakit ka nakahubad? Akala mong ang laki ng katawan mo, ah!" komento ko sa kanya kaya tinignan niya ako at ilang beses na napakurap.

Naramdaman ko ulit ang patpat na hawak ni Aling Deng na tumama sa ulo ko kaya sinimangutan ko siya.

"Anong nakahubad?! Parehas kayong nakahubad, Jayjay! Akala niyong mga malalaki katawan niyo!" napatawa naman si Khali kaya napatingin ako sa sarili ko at napansing nakahubad din pala ako.

"You're a stupid, Jayvion." natatawang komento ni Khali kaya binatukan ko siya. "Aray!"

"Tumahimik ka d'yan!"

"Karyo, ciento diyes lahat!" sambit ni Aling Deng.

"110?! Isang daan na lang, Aling Deng. Lagi naman akong kumakain dito, eh!" sagot ni Khali.

"Kayong magpinsan, parehas kayong kuripot, no? Akin na yung 110 mo." sumahod sa kanya si Aling Deng kaya napakamot na lang siya ng ulo at inabot ang bayad niya.

"Nagbabayad kaya ako. Itong si Jayvion ang puro utang." reklamo ni Khali kaya nagulat ako.

"Ayang pinsan mo, hindi na magbabago yan. Ikaw, hangga't kayo ko, hindi kita hahayaan maging katulad niyan na puro utang." mukhang napasama pa ako.

"Nagbabayad naman ako, Aling Deng, ah!" sagot ko ko pero inisnob niya lang ako at inasikaso ang iba niyang costumer.

Narinig ko namang napatawa si Khali kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napangalumbaba na lang ako at nag-isip ulit kung paano ako mapapatawad ni Alliana.

"Hindi ka pa rin ba napapatawad?" biglang tanong ni Khali kaya napatingin ako sa kanya. "Puntahan mo kasi sa bahay nila." suhestyon niya.

"Napuntahan ko na. Tatlong araw na akong napunta doon." sagot ko.

Apat na araw na simula noong nangyari ang lahat. Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako kinakausap. Hindi niya pinapansin ang mga message ko pero hindi naman niya ako bina-block sa messenger.

Tapos kapag pupunta ako sa kanila ayaw niya akong labasin. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya at siguro ayaw na niya talaga akong makita.

"Anong ginagawa mo kapag napunta ka?" tanong ni Khali.

"Malamang tinatawag siya para kausapin ko kaso ayaw naman niyang magpakita kaya nauwi na lang ako." bigla siyang napatawa. "Bakit? Anong nakakatawa?!" siraulong ito may gana pang tawanan ako.

Hindi ko na nga alam kung paano ko kakausapin si Alliana.

"Mali kasi 'yung ginagawa mong bata ka!" pagalit ni Aling Deng na sumali sa usapan namin.

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon