Chapter 32

12 2 0
                                    

"Isang bukas na liham sa mambabasa bago magpatuloy ang kwento.

Minsan akala natin na ang tadhana ang siyang may dahilan ng pagkakatagpo ng mga landas mga nagmamahalan. Minsan naiisip natin na lahat ng bagay ay naayon lang sa pagkakataon.

Maging ako ay naisip din ang gan'yang mga bagay kaya naiiwan na lang akong nagtatanong at nagtataka sa mga nangyayari.

Siguro tadhana nga ang kumikilos para makita mo ang taong para sa iyo pero ang tinatawag na tadhana ay nagsisimula sa sarili mo at ikaw ang hahabi at gagawa nito. Sa madaling salita, ikaw ang naghanap sa taong tingin mong tama para sa iyo.

Kung meron ka mang ideal man or ideal woman, lahat ng mga 'yan ay likha ng tadhanang gusto mong matupad at magkatotoo.

Paano kapag hindi naman nasunod ang ninanais mo?

Mayroon talagang mga parte sa tadhanang ginagawa mo ang hindi nagkakatotoo dahil iyon sa tadhana ng iba.

Anong nais kong sabihin? Isipin mo ang tadhanang ginawa ng dalawang tao, sa oras na magtugma ang kanilang nais at gusto ay magtatagpo sila ng landas. Doon mo malalamang may mga bagay na nangyayari ng hindi mo inaasahan.

Minsan talaga magulo ang perspective ng bawat tao pagdating sa mga bagay na may relasyon sa pag-ibig. Pero hindi naman natin dapat sisihin ang tadhana para sa mga masasamang bagay na nangyayari sa atin.

Ang pagsisi sa tadhana ay parang pagsisi sa sarili mo dahil ikaw lang naman ang gumawa niyon kaya huwag na huwag mong gagawin. Bagkus, humabi ka ng panibagong tadhana. Huwag mong sisirain ang nauna dahil magiging isa itong aral para makagawa ka ng panibago at mas magandang tadhana.

Isa pa ay ang pagpaparaya na lang sa pagkakataon. Hinahayaan mo na lang ang pagkakataon at sumusunod ka na lang sa maaaring mangyari. Go with the flow, ika nga.

Naranasan ko na rin ito at napag-isip-isip kong pwede naman akong hindi na lang laging go with the flow. Lagi tayong may pagpipilian. Kahit na sabihin mong no choice ka na ay mayroon ka pa ring pagpipilian.

Marami kang pagpipilian at pwedeng maging sagot sa tanong mo. Minsan natatakot ka lang na pumili kasi iniisip mo 'yung kakalabasan. Hindi mo naman dapat na sisihin 'yung sarili mo kasi pumili ka lang.

You always have a choice. Ayaw mo lang piliin.

Ganyan na lang para mas madaling maintindihan. May mga bagay kasing mahirap pagdesisyunan at nauuwi na lang tayo sa pagsasabi ng no choice pero di ba, sinubukan naman nating pumili, nahirapan nga lang.

Gusto ko lang sabihin na lahat ng bagay may dahilan. Nangyari ito, nangyari 'yan kasi may dahilan. Marami mang magduda o hindi maniwala pero alam mo sa sarili mong totoo ka.

Magulo siguro ang pagsusulat ko rito kaya paumanhin na lang. Siguro may magugulo talagang tao na hindi natin maintidihan. Dahil baka hindi natin iniintindi o ayaw lang talaga nilang ipaintindi ang sarili nila.

Pero kahit na ganoon, ang tao kapag nagmahal, totoo. Kung mayroon ka mang sasabihin o naalalang taong nagmahal ng hindi totoo. Malamang, hindi pagmamahal 'yun.

Panloloko siguro kung matatawag 'yun.

May iba't iba tayong pananaw dito sa mga bagay na 'to. Pero ito lang naman ang maibabahagi kong ideya para sa kwentong ito.

Though, hindi ko alam kung anong sense nito. Nais ko lang ibahagi kaya salamat sa iyong pagbabasa.

Ngayon, ituloy na natin ang kwento."

NAGING matagumpay ang operasyon ni Papa at Clyde kahapon. Bumalik ako ng bahay para magpalit ng damit. Pagkalabas ko ng bahay ay nadatnan ko si Jayvion na nakatayo sa tabi ng motor niya kaya nilapitan ko siya.

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon