NANG makabalik ako sa bahay namin ay umupo agad ako sa sofa bago buksan ang fb account ko at mag-browse sa newsfeed. Iba't ibang uri ng memes at posts ang nabasa ko.Ilang sandali pa ang nakalipas ng makuha ng papel sa lamesa ang atensyon ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Nag-isip ako kung titignan ko ba ang papel o hahayaan na lang.
Napagpasyahan ko na lang na tignan ang papel. "The In A Relationship Contract" basa ko sa panimula ng nakasulat sa papel.
Si Jayvion talaga ang gumawa nito. Malalaman mo agad sa mga nilalaman nito kung paano niya pinaghahandaan ang lahat ng mangyayari.
Tanda ko pa na talagang maraming ginagawa si Jayvion para sa isang bagay na gusto niya pero nakikita sa kanyang tamad siya at parang wala lang sa kanya ang lahat. Kaya magugulat na lang kami kapag nagagawa niya ang isang bagay kahit parang wala naman siyang ginawang kahit ano. He might like to move behind the curtain.
Napaisip tuloy ako kung anong pinagbago niya ngayon. He looked different from physical kasi nagkalaman na siya not like before na talagang payat siya at nakakasali pa sa feeding program ng school. Though, he enjoyed it kasi laman tiyan din daw yun.
In terms of looks, he still has the elusive yet vibrant aura. He might not be transparent but he really shows that he is the happiest person alive. But what I notice is the deep sadness through his eyes, dati buhay yun at parang nakatawa sa'yo.
Now, that eyes are dull, cold and hard to read what he feels, just an empty look. I know that he still doing his hobby, reading others by looking and watching their gesture and action, so it's not doubtful if he pursue his course. He always doing that on me that's why I try to hide my emotion because—
"Saan ka na naman pupunta?!!"
"Wala ka na doon!!"
"Sa babae mo na naman!"
Mukhang nagtatalo na naman sila Mama at Papa kaya inilapag ko ang papel sa lamesa bago salpakan ng earphone ang tainga ko at nagpatugtog ng music. Pero kahit todo na ang volume ay rinig ko pa rin ang pagtatalo nila. Napapikit na lang ako at humiga sa sofa at tinalikuran ang hagdan kung saan sila bababa.
"Sige, umalis ka na naman!"
"Ano ba, Rose! Hindi ka ba tatahimik?!!"
"Bakit?! Totoo naman na doon ka na naman pupunta sa babae mo!!"
"Malamang!!! Pamilya ko sila!" kahit hindi ako si Mama naramdaman ko ang sakit ng salitang yun na tumagos sa puso ko.
Nanahimik ang paligid kaya napaayos ako ng upo sa sofa at tinanggal ang earphone sa tainga ko. Nakita ko si Mama na nakatayo sa may pinto. Kahit nakatalikod siya ay alam kong nagpupunas siya ng luha niya.
"Alliana." mahinahon niyang sambit. "Nasa kusina yung pagkain, kumain na lang kayo ng kapatid mo. May ginagawa pa ako sa taas." dagdag niya pero ramdam kong umiiyak siya.
Dali-dali naman siyang umakyat ng hagdan. Siguro ay magkukulong na naman siya sa kwarto niya at iiiyak ang sakit na nararamdaman niya.
"Ate!" rinig kong sambit ng isang boses at nakita ko ang kapatid kong kakalabas pa lang ng kwarto niya. "Asan si Papa?" pambungad niyang tanong habang kinukusot ang mata niya na galing pa sa pagkakatulog.
Nilapitan ko naman siya. "Gutom ka na ba?" tanong ko at tumango siya kaya inaya ko siya sa kusina para magtanghalian.
Pinaupo ko siya sa tapat ng lamesa bago hainan ng kanin at sinigang na baboy. Kumuha na rin ako ng akin at sinabayan siya sa pagkain.
"Atye, Ashan shi Papa?" pagtatanong niya sa akin habang may laman pa ang bibig niya.
"Lunukin mo muna yung pagkain mo, Clyde." saway ko sa kanya kaya napatango siya.
BINABASA MO ANG
In A Relationship Contract
RomanceA boy and a girl. A very cliché and over used plot and storyline. A boy fall in love with a girl. The girl responded on his love. Just the simple one. The only thing that differs is a contract so read it to know their story.