Chapter 15

12 2 0
                                    


HALOS ilang araw na akong malungkot. Hindi pa rin ako nakakausad sa nangyari.

Ngayon, gabi-gabi akong napapaiyak sa sakit na nararamdaman ko. Kaya nga dito na ako natulog sa kwarto nila Mama kagabi. Patuloy na nagpe-play sa utak ko yung nakita ko.

Maging sila Joan ay nagalit sa ginawa ni Jayvion lalo na si Adrian. Hindi ko na siya natanong kung paano niya nalamang nandoon ako.

Nagalit ako sa kanya nung sinaktan niya si Jayvion pero sinabihan niya lang akong nararapat lang kay Jayvion yun. Si Joan naman ay nainis at gusto pang sampalin si Jayvion pero pinigilan ko na lang.

Tuwing pupunta naman si Jayvion sa amin at tinatawag ako ay napapatanong ako kung ano pang mukhang maihaharap ko matapos kong sabihing ayaw ko na siyang makita. Kaya hindi ko alam kung anong gagawin kaya hindi na lang ako nagpapakita.

Hindi ko rin siya kinakausap sa chat dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko naman siya magawang mablock kahit sinasabihan na ako ni Juls na gawin ko 'yun kaso ayoko talaga. Hindi ko alam 'yung dahilan pero parang gusto ko pang nakikita 'yung pangalan niyang lumalabas sa notification ko.

Naapektuhan lalo sila Mama na nagalit ng husto kay Jayvion. Nagawa pa nga niyang sampalin ito na kinwento sa akin ni Clyde.

Buti na lang at hindi pinapaalam nila kay Papa ang nangyari kasi hindi ko alam kung anong magagawa niya kay Jayvion. Kahit ang mga pinsan ko ay nainis sa kanya at sinabing walang matinong manliligaw ang gagawin 'yun.

Kaya ngayon, hindi ko alam kung tama ba yung ginawa kong pang-iiwan kay Jayvion. Hindi ko alam kung nararapat lang kay Jayvion ang ganitong karaming galit at inis na natatanggap niya.

Hindi ko alam kung tama bang pinagsalitaan ko siya ng masasakit na salita.

"Gusto kong magpaliwanag sa'yo~ ngunit di kinakausap~" napatigil ako sa pag-iisip at paghikbi ng may narinig akong nakanta sa mula sa labas.

"Ate!" masiglang sambit ni Clyde at napatakbo sa akin.

"'Di insasahang diringgin mo, oh~ nakatingala sa ulap~"

"Bakit?"

"Si Kuya Tangkad!! Nasa baba!" pagbibigay alam niya kaya naliwanagan akong siya 'yung nakanta.

"Alam kong nasaktan nga naman kita~ ngunit 'di ko naman sinasadya~" nagpagtanto ko lalo ng makilala ko ang boses niya.

"May kasama siyang isa pang lalaking naggigitara." paliwanag ni Clyde kaya nalaman kong hindi si Jayvion ang naggigitara.

"Hinding-hindi na mauulit, sinta~ sana'y maniwala ka~" bubuksan ko na sana ang ang bintana sa tabi ko ng marinig ko ang boses ni Mama.

"Alliana!" napatingin kami ni Clyde sa kanya. "Huwag na huwag mong bubuksan 'yan!" banta niya kaya napahinto ako.

"Bakit, Mama?" tanong ni Clyde.

"Wala, anak." mahinahong sagot ni Mama sa kanya. "Bumaba ka nga at paalisin mo ang lalaking 'yun. Bilis!" utos niya kaya lumabas ng kwarto si Clyde.

Tinignan ko si Mama at napaluha ako. Napabuntong hininga naman siya at nilapitan ako bago yakapin. Napaiyak na naman ako sa bisig niya. Hinalikan niya ang ulo ko bago ako aluhin. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak kapag niyayakap niya ako.

"It's okay, anak." sambit niya. "You can cry those pain out of you." pagbibigay alam niya kaya napahagulgol ako ng iyak.

"Maaaa!" patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang kayakap siya.

"Hayaan mo yung lalaking 'yun. You don't deserve him. He's a complete jerk." komento niya.

"Gusto ko siyang makita, Ma!" naiyak kong sambit sa kanya.

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon