NGAYON, nasa tapat ako ng isang mansion at nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba o hindi na pero nang maisip ko si Clyde ay tumuloy na ako. Lumapit ako sa gate at tinanong ang guard."Nandyan ba si Versailles?" napatango siya.
"Ano pong kailangan niyo, Sir?" tanong niya kaya huminga muna ako ng malalim.
"Kaklase niya ako at may kailangan akong itanong sa kanya ng personal." napatango niya bago pumunta sa guard house at may tinawagan.
Pagkabalik niya ay binuksan niya ang pinto at pinapasok ako. Pinasalamatan ko siya bago nagtuloy sa pagpasok. Nakita ko si Versailles na sasalubungin ako.
"Jayvion!" tawag niya. "Anong gusto mong sabihin ng personal?" tanong niya kaya napakamot ako ng ulo.
"Ah! Nandyan ba ang daddy mo?" tanong ko.
Siya ang kailangan kong makausap. Kahit napipilitan at labag sa kalooban ko ay gagawin ko pa rin para ka Alliana.
"Oo, bakit?" nagtataka niyang tanong. "Magkakilala kayo ni Daddy?" dagdag niya kaya hindi ko alam ang isasagot ko.
"Oo." tangi kong naisagot na ikinagulat niya.
"Talaga?!" namamangha niyang sambit. "Tara!" inaya niya ako papasok sa loob.
Namangha na lang din ako sa itsura ng tirahan nila. Parang nasa isang napakagandang hotel ang salas nila. Malaki at punong puno ng mamahaling bagay.
Pinaupo niya ako sa isang sofa bago siya nagpaalam na pupuntahan ang daddy niya. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pero kailangan. Ilang sandali pa ay bumalik na si Versailles kaya napatayo ako.
"Tinatawag ka na ni Daddy." pagbibigay alam niya kaya sinundan ko siya at napatigil kami sa tapat ng pintong may dalawang lalaking nakabantay. "Nand'yan siya sa loob. Sige, pasok ka na." nakangiti niyang sambit kaya napatango ako.
"Salamat." sambit ko bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.
Isinara ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang lalaking prenteng nakaupo sa isang swivel chair. Tinignan niya kaya napalunok ako ng laway.
"Come near and sit." utos niya.
Lumapit lang ako pero hindi ako umupo sa upuang nasa tapat niya. Nagkatitigan lang kami at walang nagsasalita dahil hindi ko na alam kung paano simulan. Ngayong nasa harap ko na siya ay napupuno ako ng galit, muhi at poot para sa kanya.
"What's your reason in coming here, son?" tanong niya.
Nagtaasan ang balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Parang gusto ko siyang sakalin o suntukin sa mukha para malaman niya kung anong kalokohan ang pinaggagawa niya.
"Don't call me your son." mariin kong sambit at tinitigan siya na parang gusto kong gilitan ang leeg niya.
"Your eyes, son. Bakit gan'yan ka makatingin?" nakangiti niyang tanong.
"Simula noong umalis ka, hindi na kita itinuring na ama kaya huwag kang magpakakampanteng kausap ako." seryosong sagot ko.
"You seem got that attitude from your mother." komento niya.
"Don't involve Mama here!" napalakas ang boses ko. "Wala na siya kaya wala kang alam sa hirap na dinanas niya." sambit ko.
"I know. She died in a car accident." nagulat ako ng sabihin niya yun. "That time, I am chasing her because I want to fix things between us but the accident happen. I try to bring her to the hospital but it's too late." kwento niya kaya nagbalik sa akin ang alaala.
BINABASA MO ANG
In A Relationship Contract
RomanceA boy and a girl. A very cliché and over used plot and storyline. A boy fall in love with a girl. The girl responded on his love. Just the simple one. The only thing that differs is a contract so read it to know their story.