NGAYON nakatungo ako sa lamesa sa kainan ni Aling Deng. Ikinwento ko sa kanila ang nangyari at maging sila ay nagulat at nainis. Hindi ko na alam ang gagawin ko at nagkakapatong patong na ang lahat ng nangyayari."Makikipagbreak ka kay Alliana para mabayaran ang utang nila at hindi makulong ang tatay niya o kaya huwag mo silang pakialamanan sa problema nila. Ha?! Hindi ko magets!" naiiritang komento ni Khali.
"I can't get anything too." komento naman ni EJ.
"Bata ka pa kasi kaya wala ka pang maiintidihan, Epi." sagot ni Aling Deng.
"Who's Epi?" takhang tanong ni EJ.
"Ikaw 'yun!" sagot ni Khali na mukhang naiinis pa rin.
"I'm not Epi. I'm Epsilon Jaxon or EJ." pakikipagtalo ni EJ.
"Hays! You're stupid. Hayaan mo na lang. Gan'yan talaga si Aling Deng, name wrecker." sagot ni Khali. "Ang ganda-ganda ng pangalan kong Karrius Hali tapos ipapalayaw sa akin Karyo. Itong kay Jayvion naman, Jayjay ang tawag kaya huwag ka ng magtaka." reklamo ni Khali.
"Bakit parang nagrereklamo ka, Karyo?!" sigaw ni Aling Deng
"Hindi, nagpapaliwanag lang." sagot niya.
"Paano pa 'yung akin?" tanong ni Prince.
"Masyado ka pang bata kaya behave ka lang diyan, Osteng." sagot ni Aling Deng.
"Oh! Di ba?" malungkot na tugon ni Prince.
Mas lalo akong hindi makakapag-isip ng ayos kapag ganito kagulo ang mga kasama ko. Inangat ko ang ulo ko at tinignan sila. Napansin kong nakatingin silang lahat sa akin.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko." bungad ko sa kanila.
"Paano kaya kung hayaan mo na lang 'yung siraulong tatay mo. 'Yung mga bayarin siguro kaya ng tustusan lahat ng kamag-anak nila Alliana o kaya naman pati yung sa atin. Mayayaman tayong Layra, di ba?" suhestyon ni Khali.
"Nagmayabang pa!" nakatanggap siya ng isang hampas ng pamaypay mula kay Aling Deng. "Paano naman 'yung sa tatay niya?" tanong niya.
"We can defend the case up to the Regional Trial Court." sagot ni EJ.
"Ang talino mo, Kuya EJ!" komento ni Prince.
"No." sagot ko bago napabuntong hininga. "I know that bullshit man. He will control everything just to make sure that he will get what he wants kaya hindi natin maipapanalo ang kaso ni Tito Allan." panimula ko. "At sa pera naman, makukulangan sila sa pambayad at kung aasa sila sa kamag-anak nila utang pa rin 'yun. Kung sa pamilya naman natin, ikaw, si EJ at si Prince lang yung mayaman. Ulila na ako, di ba?" paliwanag ko kay Khali.
"Wow! Nagawa mo pang magdrama. Pinsan ka namin kaya ibig sabihin may pamilya ka at hindi ka ulila. Gago!" sagot niya pero napayuko na lang ako.
"Ikaw na bata ka! Kung pera ang pinoproblema mo, dapat sa akin ka lumapit. Magkano ba lahat lahat ng gastusin nila?" tanong ni Aling Deng.
"Sa dalawang operasyon, mga bayarin sa ospital, gamot, therapy, maintenance at iba pang magagastos para makarecover silang dalawa siguro aabutin ng isang milyon." sagot ko at napatango sila.
"ISANG MILYON?!!!" bulaslas nila kaya napatango ako.
"Hindi kaya ang laki mong magtuos, Jayjay." komento ni Aling Deng.
"Hanggang fully recovery na 'yung gastos at simama ko na yung pagkain nila sa araw-araw." sagot ko.
"Ewan ko sa 'yo." komento ni Khali. "Hindi naman tayo makakapaglabas ng ganoong kalaking pera ng bigla bigla." dagdag niya.
"Akala ko ba mayaman kayo." sambit ni Aling Deng kaya napatingin sa kanya si Khali.
"Makakapaglabas naman kami pero mga ano lang." sambit niya.
"Mga ano?" tanong ni Aling Deng.
"Mga... kalahating milyon ganoon." sagot niya.
"Asus! Nagmayabang pa!" komento ni Aling Deng.
"Or else I will call Dad to help us. He's a doctor, right?" suhestyon ni EJ.
"Tama! Si Daddy rin." sagot ni Khali kaya nabuhayan ako sa mga sinabi nila.
"But it might be subject to conflict of interest." biglang bawi ni EJ sa sinabi niya.
"Ay! Oo nga. Pati baka mangialam na naman ang butihin mong ama." sarkastikong sambit ni Khali. "Bakit ka pa ba kasi lumapit doon sa siraulong 'yun?" tanong niya.
Nawalan ulit ako ng pag-asa dahil sa sinabi nilang dalawa. Parang mahihirapan na akong makapagdesisyon nito dahil sa dumarami ang nagsusulputang problema.
"I don't know." sagot ko.
Hindi ko na maintidihan ang sarili ko. I'm in the verge of collapsing and I can't think clearly on what to do. Ayoko rin namang magpadalos dalos sa padedesisyon.
"Tsaka papuntahin kang Switzerland kapag nakipagbreak ka kay Alliana. Ano 'yun? Gift or reward kasi nakipagbreak ka. Wow! Siraulo pala siya!" naiinis na komento ni Khali.
"Sinabi mo pa." tugon ko.
"Mahirap yan, Jayjay. Kailangan mong maging desidido sa pipiliin mo." payo ni Aling Deng kaya napatango ako.
"It's hard dealing with someone that seems to control you from the very start." komento ni EJ.
"Yeah! Parang pinapaikot ka lang niya sa kamay niya." sambit naman ni Khali.
Bakit kasi naisipan ko pang pumunta doon? Ngayon nawindang ako sa mga nalaman ko. I felt being in the middle of two roads and deciding which way to go. Pero para na naman akong nilalaro nito.
Nang bigla na lang may pumasok sa isip ko kaya napaayos ako ng upo.
"The contract." nakita kong naguluhan sila sa sinabi ko. "Handa na akong maging tanga." sambit ko.
"Ano?!" naguguluhang tanong ni Khali.
"Ay! Kung ako sa inyo, magmeryenda muna kayo!" napatayo si Aling Deng sa kinauupuan niya at umalis.
"I'm hungry too." komento ni EJ.
"May bayad, Aling Deng?" tanong ni Khali.
"Mayroon, siyempre!" napasimangot naman siya ng marinig ang sagot
"Babalikan ko nga pala si Alliana." sambit ko at akmang tatayo ng higitin ni Khali ang balikat ko papaupo.
"Mamaya ka na umalis. She's okay kaya huwag mo na muna siyang alalahanin." sambit niya kaya napatango ako.
"Okay! Mamaya na lang." sagot ko dahil wala na naman akong magagawa.
Kailangan ko na ring subukang iayos ang mga dapat kong gawin para hindi ako magkamali. Kailangang planuhing mabuti ang bawat hakbang para maging maayos ang takbo.
Napaupo naman si Prince sa inupuan ni Aling Deng. Napapwesto siya na parang makikinig sa pag-uusap namin.
"Pwede ng sumali?" tanong ni Prince.
"May pera ka ba?" naglabas si Prince ng isang daan at saka iyon kinuha ni Khali.
"Teka!" maktol niya.
"Bayad ito kapag gustong sumali." napatingin siya kay EJ.
"I don't know! I didn't pay anything." sambit ni EJ.
"Ano?! Akin na 'yan!" sambit ni Prince.
I know what to do so nothing to worry about. I am thinking clearly so it's okay. I can do it. We can deal with it.
BINABASA MO ANG
In A Relationship Contract
RomanceA boy and a girl. A very cliché and over used plot and storyline. A boy fall in love with a girl. The girl responded on his love. Just the simple one. The only thing that differs is a contract so read it to know their story.