Chapter 13

13 2 0
                                    


PARANG sobrang lungkot ng araw ngayon. Kahit anong pilit kong pagpapasaya sa sarili ko kapag nakikita ko ang lalaking ito na lugmok sa kalungkutan, nahahawa ako.

Tatlong araw na siyang ganyan na lugmok sa kalungkutan at hindi masyadong naimik.

"Buhay pa ba 'yan?" malokong tanong ni Hervy na biglang sumulpot sa tabi ko.

"Ewan."

Binalingan ko ulit si Jayvion na nakatungo sa lamesa dito sa cafeteria.

"Ang sama naman kasi ng nangyari dyan. Biruin mo iniwan ng babae tapos nabugbog. Tsk! Tsk!"

"Huwag ka ng mang-asar. Gago!" binatukan ko si Hervy. "Lugmok na nga yung tao." dagdag ko at tinignan si Jayvion.

"Dapat kasi ipinaglaban mo yung babae tapos lumaban ka doon sa lalaki." pang-aasar ni Hervy kaya sinamaan ko siya ng tingin bago bumalik ng tingin kay Jayvion.

He's so unusual these past days. Hindi kami sanay na ganyan siya kalungkot. Though, alam naman naming medyo naboboring na siya sa pag-aaral at tinatamad minsan pero iba ngayon.

Ibang negativity ang nilalabas niya. Mabigat at nakakapanghina yung aura na nilalabas niya. Umupo si Hervy sa tapat ni Jayvion at pumangalungbaba.

"Kinausap na ba siya ni Veron?" sinamaan ko siya ng tingin dahil masyado siyang madaldal. "Bakit? Nagtatanong lang naman!" palusot niya.

"No." tipid kong sagot sa kanya.

I still remember that time when Veron get back to our table with a teary eyes. Hinila niya ako noon at inilayo sa karamihan bago siya nagkwento.

They kissed and Alliana, Jayvion's girlfriend, saw them sharing each other lips. Umiyak sa harap ko si Veron at humingi ng tawad. She said she just really love Jayvion.

Pero kahit ako manghihina at maiiyak kapag nakita ko yung taong pinakamamahal ko na may kahalikang iba. Ang ikinagulat ko lang ay ang pagkaalam ko sa relasyon ni Jayvion at Alliana.

Alliana said she's just Jayvion's friend but Veron said she's Jayvion's girlfriend kaya nakakagulat at nakakapagtaka. Ang gulo ng relasyon nilang dalawa at hindi ko alam kung kanino ako maniniwala.

All this years we're being friends, ngayon ko lang nalaman na ang lalaking ito ay may babaeng magugustuhan. Kasi pansin naming lagi siyang iwas sa kababaihan at walang romantic side kapag dating sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya dito sa university.

Ngayon alam ko na, siguro talagang para sa babaeng yun lang ang puso niya. Pero ano ba talagang mayroong namamagitan sa kanilang dalawa?

Damn! Naiinggit ako sa kanya.

"Yohan!" napatingin ako kay Hervy ng tawagin niya ako. "Ano nga ba ulit 'yung pangalan nung lalaking nanapak dito kay Jayvion?" nguso niya kay Jayvion.

"Adrian. Ayun yung sabi niya." hindi naman kasi ikinwento ni Jayvion ang lahat.

The day after nung nangyari, nagulat na lang kami sa kanyang pumasok ng may bangas. Tapos iniyakan pa kami at ayun pinaka kinagulat namin sa lahat.

Ang pag-iyak niya.

Akala ko hindi crybaby itong lalaking ito tapos makikita namin siyang sobra kung umiyak. Napaluha rin ata si Hervy niyon.

He also continuously mentioning a contract or what na sinira niya raw tapos ang tanga tanga niya raw at hinayaan niyang mangyari yun.

Alam mo, Jayvion, tang ina mo. Ang gulo mo kausap, hindi ka namin naintindihan.

"Resbakan natin 'yun!" ito na naman si Hervy sa mga pagmamatapang niya pero una namang umuuwi.

"Huwag." napatingin kami ni Hervy kay Jayvion na biglang nagsalita.

"Igaganti ka lang namin sa lalaking yun. Sa kabilang university lang naman 'yun, di ba?" pangungulit ni Hervy.

"Ako ang magmumukhang masama." napatahimik siya ng sabihin ni Jayvion yun.

"Ano? Ang kulit mo, eh!" komento ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin. "Kumain ka na, Jayvion." baling ko sa kanya.

"Uuwi na ako." bigla niya sambit.

"Wala ka na bang klase?" tanong ko.

Tignan mo itong lalaking ito. Mas gugustuhing magpakalungkot kaysa asikasuhin ang pag-aaral.

"Wala akong pake." narinig kong mas lumungkot ang tono ng boses niya.

"Gago! Babae lang 'yun." sambit ko at hindi ko inisip na magiging hudyat pala yun ng isang maribdibang pagdadrama niya.

Napaangat ang ulo niya at itinukod ang kamay niya bago umiyak. Pero ngayon wala siyang hikbing ginagawa. Mas nagulat kami ng makita siyang lumuluha pero walang tunog ng pag-iyak.

"Hindi basta babae si Alliana. She's my life." napangiti siya ng mapait at mas dumami ang luhang naglalabas mula sa mata niya kaya hindi namin malaman ang gagawin namin ni Hervy.

"Huwag kang umiyak dito." sambit ko at napansin si Hervy na hinarangan si Jayvion para hindi makitang naiyak.

"Ikaw kasi, Yohan. Kung ano-anong sinasabi mo!" naiinis na tugon ni Hervy kaya napakamot na lang ako ng batok.

"Alliana is my world." patuloy siya sa pagsasalita pero nababakas na ang lungkot sa boses niya.

"Oo na. Malalagpasan mo rin 'yan." pagchi-cheer up ni Hervy.

"She's my oxygen. I can't live without her." napasinghot siya at napansin kong unti-unti na siyang bumibigay kaya mamaya-maya iiyak na ng malakas ito.

"Let's go home." aya ko sa kanya dahil alam kong hindi na niya kakayanin at baka magwala pa ito dito.

Tumayo ako at inalalayan si Jayvion na tumayo. Para siyang lasing sa itsura niya.

"Palalabasin ba tayo kung ganito itsura niyan?" nag-aalalang tanong ni Hervy pero napailing na lang ako.

"Bahala na!" sagot ko at niyakag namin siya palabas ng university.

Gagamitan ko na lang yung kapit ko sa mga nakakataas para makalabas ang loko lokong ito.

I know Jayvion. He's strong and a serious person when girls are involve but he never had any relation with girls in the university since we met. He just jokingly said that he will graduate without experience in any sexual matter.

I thought he is too focus in his study and just no time with love. Not until now na nalaman ko kung paano siya mabaliw sa isang babae.

Alam ko kung gaano niya kamahal si Alliana kahit tatlong araw ko palang nung nalaman ko ang tungkol sa kanila. He love her more than anything possible.

I must say hindi naman ganun kahirap mahalin si Alliana kahit isang beses ko pa lang siya nakikita. I also know it...

In A Relationship ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon