MATAPOS ang mahaba-habang biyahe ay sa wakas ay nakarating na kami sa Fort Santiago. Nagpark kami sa parking lot bago bumaba."Let's walk around to feel the vibes." sambit niya bago ilahad ang kamay niya kaya inabot ko 'yun at nagsimula kaming maglakad.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla akong natapilok kaya inalalayan ako ni Jayvion. Sabi na dapat hindi na lang ako nagheels. Hindi talaga ako sanay sa ganitong suot sa paa ko.
"You alright?" tanong niya pero napatango na lang ako kahit masakit naman ng very light yung paa ko.
Napailing siya. "Wait here." utos niya at may kinuha sa motor niya bago bumalik sa kinatatayuan ko. "Buti na lang dala ko ito." nakita kong may hawak siyang puting tsinelas.
"Anong gagawin mo?" tanong ko nang makita siyang umupo sa harap ko.
"Your feet. I'm gonna change your heels, lady." sambit niya at hinubad ang sapatos niya.
"Hoy! Nakakahiya!" saway ko sa kanya bago napatingin sa paligid at napansin ang ilang tao na tumitingin sa amin.
"Hindi kita hahayaang maglakad ng nahihirapan. Now, may I take your heels, lady." sambit niya at hinubad ang suot kong heels bago ipalit ang sapatos niya.
"Ang laki naman yata ng sapatos mo."
"It looks good on you." nakangiti niyang komento at napatayo.
Isinuot niya ang tsinelas niya at napangiti sa akin. Napangiti na lang ako bago tignan ang itsura ko. It really looks good on me. This pair of white shoes of him.
"You're so beautiful, Alliana." sambit niya at napasimangot ako sa kanya. "Are you blushing?" napatakip ako ng mukha ng maramdamang mas nag-init ang mukha ko.
"Hindi kaya!" sagot ko at tinanggal niya ang kamay ko sa mukha ko bago napangisi.
"We better hurry to visit all the places." aniya at hinawakan ang kamay ko.
Naglakad kami sa loob ng Fort Santiago at namangha ako sa ganda ng lugar. Historic and fascinating view from different perspective. This place really catches my heart and eyes.
"Do you wanna ride a calesa?" napatingin ako sa itinuro ni Jayvion at nagulat sa nakita ko.
May isang kalesang nasa malapit lang. Hinigit ko si Jayvion papalapit doon dahil gusto kong sumakay.
"Halika na, Jayvion!" aya ko at napalapit kami sa kalesa.
"You seem excited. Sasakay naman talaga tayo." sambit ni Jayvion at napatingin sa amin si Manong driver.
"Magandang tanghali po, Sir" bati ni Manong.
"Is it vacant?"
Napatango si Manong kaya parang pumunta sa mukha ko lahat ng dugo dahil sa sobrang pagkasabik makasakay.
"May discount po kami sa mag-asawa ngayon." pagbibigay alam niya.
"Ahh! Manong—" pinutol ako ni Jayvion nang magsalita siya.
"Tama palang ngayon tayo pumunta, mahal." nakangising sambit niya sa akin at hinapit niya ang baywang ko kaya nagulat ako bago napataas ang kilay ko.
"Mukha pong masama ang mood ng Misis mo, Sir." komento ni Manong kaya napatingin ako sa kanya.
"Manong—"
"Gan'yan po talaga kapag nagdadalang tao." sambit ni Jayvion at hinawakan ang tiyan ko kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Naku! Congrats po, Sir!" bati ni Manong kaya napangiwi ako.
"Huwag ka ng magsungit, mahal. Nakakasama sa bata 'yan." paalala ni Jayvion habang nakangiti sa akin.
"Oo nga po, Sir. Lalaki po ba o babae?" pagtatanong ni Manong.
"Hindi pa namin alam pero I want a boy." sagot ni Jayvion.
"Gusto niyo pala ng junior. Sige po, sakay na kayo." sambit ni Manong kaya sinenyasan ako ni Jayvion na maunang umakyat.
Siniringan ko siya kaya napatawa siya ng mahina. Inalalayan niya akong umakyat bago siya sumunod. Nakakainis talaga itong si Jayvion sa mga pinagsasabi niya kanina.
"Saan po tayo?" tanong ni Manong.
"Mahal, saan mo gusto?" hindi pa rin tumitigil si Jayvion sa kalokohan niya kaya napairap na lang ako.
"Sa Baluarte de San Diego." nagulat naman siya ng sabihin ko kaya nginitian ko siya.
Bahala ka diyan.
"Malayo layo, Sir. Pero sige para hindi na maglakad si Misis mo." sambit ni Manong.
"Sige, Manong." sagot ni Jayvion at nginitian ako kaya siniringan ko na lang siya.
Nang makarating kami doon ay nagbayad si Jayvion kay Manong bago namin puntahan ang lugar. Namangha ako sa ganda nito at sa pagkakagawa ng lugar.
"Mahal, maganda ba?" siningkitan ko siya ng mata bago batukan. "Aray! Bakit?"
"Anong mahal mahal ka dyan!" sermon ko sa kanya. "Kanina ka pa!" dagdag ko.
"Initials mo 'yun!" sagot niya kaya naguluhan ako. "Soon, you will be Mrs. Alliana Haven Armari Layra." sambit niya at hinalikan ang noo ko. "I can't wait to see you wearing your wedding gown while walking in the aisle with me as your groom." dagdag niya kaya ramdam kong namumula na ako at napangiti siya.
"Sira!"
"You're cute?" siniringan ko naman siya at napatawa na lang siya.
This man is really making my heart race. It's really a blessing to have this man.
"Picture tayo!" aya ko at tumabi naman siya sa akin.
"Post mo yan tapos i-tag mo. Lagyan mo ng caption." utos niya kaya tinignan ko siya.
"Anong caption?" tanong ko kahit alam kong kalokohan lang naman ang isasagot niya.
"Together with my future husband."
Sabi na, eh.
Nilibot namin ang lugar at pinuntahan ang ilan pang mga magagandang spot sa Intramuros. At syempre kakalimutan ba namin ang foodtrip kaya inubos ko ang pera ni Jayvion sa pagpapabili sa kanya ng kung ano-ano.
Magaalas siyete na ng gabi at mas maganda na ang itsura ng lugar. I must say, mas lumitaw ang ganda nito pagsapit ng gabi. Naglalakad kami sa gilid ng daan, ramdam ko na yung pagod pero ayaw ko pang tumigil dahil kasama ko ang lalaking ito.
This is a memorable date for me or should I say the most memorable date in my life.
Narinig kong napabuntong hininga siya kaya tinignan ko kung anong problema. Nakita kong hawak niya ang wallet niya kaya napalunok ako ng laway. Ibinalik niya yun sa bulsa niya bago tumingin sa akin.
"May problema ba?" tanong ko at napangiti siya.
"Mukhang maglalakad lang tayo hanggang sa inyo. Wala na akong pampa-gas ng motor." nahiya tuloy ako sa kanya dahil sa mga ipinabili ko.
"Sorry. Ako na lang magbabayad ng—" napahinto ako ng pitikin niya ang noo ko.
"Just kidding." nakangiti niyang tugon kaya napasimangot ako.
"Bakit ka napabuntong hininga?" tanong ko.
"Nevermind that. May bench doon, upo muna tayo." turo niya sa isang upuan kaya pumunta kami doon.
Nakita namin ang mga taong nadaan sa tapat namin maging ang ilan ring magkarelasyon nakaupo sa ibang upuan.
"The sky is clear. Stars are shining on their own." komento ni Jayvion habang nakatingala kaya napatingala rin ako.
Wala ngang masyadong ulap sa kalangitan. Kitang kita ang mga kumikinang na bituin na parang mga tuldok lang.
"Why don't we play?" suhestyon ni Jayvion kaya nagtataka akong napatingin sa kanya.
Anong kalokohan naman ang naiisip nito?
BINABASA MO ANG
In A Relationship Contract
RomantikA boy and a girl. A very cliché and over used plot and storyline. A boy fall in love with a girl. The girl responded on his love. Just the simple one. The only thing that differs is a contract so read it to know their story.